67-anyos, naiyak at halos mahimatay ang sa haba ng nilakad sa unang araw ng GCQ

67-anyos, naiyak at halos mahimatay ang sa haba ng nilakad sa unang araw ng GCQ

- Halos mahimatay na ang isang 67-anyos na ginang sa haba ng kanyang nilakad sa unang araw ng GCQ

- Inabot ng nasa isa't kalahating oras ang paglalakad ang ginang at naiyak na lamang siya sa sobrang pagod

- Kukuha umano siya ng pension ng kanyang mister ngunit nahirapan umano siyang makasakay kaya naman matiyaga na lamang siyang naglakad

- Ibibili rin umano niya ito ng gamot kaya naman mahalagang makuha niya ang pension ng asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiyak sa sobrang pagod ang isang 67-anyos na ginang nang maglakad siya para lamang makuha ang pension ng mister ngayong unang araw ng general community quarantine.

Ayon sa ulat ng Jacque Manabat ng ABS-CBN News, matiyagang naglakad si Felica Osiana mula sa Agham Road papuntang Quezon City Hall. Magbabakasakali siyang makasakay ng jeep papuntang San Juan.

Doon nito kasi kukunin ang pension ng mister na siya namang ipambibili niya ng gamot nito.

Nabigo ang ginang dahil wala pa umanong bumibiyaheng jeep ngayong araw.

Dahil dito, naglakad na naman muli siya patungong MRT1, North Avenue station. Kamalasan, ipinagbabawal pa rin pala roon ang pagpapasakay ng mga senior citizens batay sa patakarang inilabas ng IATF.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mabuti na lamang at natulungan umano ito ng I-ACT para makauwi na lamang muna ang ginang na halos himatayin na sa layo ng kanyang nilakad.

Ngayong Lunes, Hunyo 1 ang unang araw ng general community quarantine kung saan ang ilang porsyento ng mga empleyado ay nagbabalik na sa kani-kanilang mga trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit sa ksamaang palad, hindi lahat ng pampublikong sasakyan ay pinayagang bumalik sa pamamasada tulad ng mga pampasaherong jeep na inaasahang sasakyan sana ni Felica.

Sa naunang ulat ng KAMI, nanlilimos na ang mga jeepney drivers ng Tondo dala ng matinding gutom dahil wala silang kita.

Hiling nila na sa susunod na mga araw ay payagan na silang makabalik sa pamamasada na siyang pinagkukunan nila ng panggastos araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel