Larawan ng inang binilhan ng bagong cellphone ang anak, umantig sa puso ng netizens

Larawan ng inang binilhan ng bagong cellphone ang anak, umantig sa puso ng netizens

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng mag-inang masayang binubuksan ang bagong cellphone ng anak

- Kuha ito ng netizen na naantig sa eksenang kanyang nakita sa labas ng SM Muntinlupa

- Tindera umano sa palengke ang ina at matiyaga itong nakaipon ng perang pambili ng cellphone ng anak

- Ito rin ang magagamit umano ng bata para sa online learning na isa sa mga inihain ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng tinatawag na new normal

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming netizens ang naantig ang puso sa larawan ng ina na masayang naibili ng cellphone ang kanyang anak.

Binahagi ito ng netizen na si Mico Tan kung saan, siya mismo ang nakasaksi sa nakakataba ng pusong eksena na ito.

Nalaman ng KAMI na nasa labas ng SM Muntinlupa ang mag-ina na kabibili pa lamang ng cellphone.

Bakas sa ngiti ng ng ina ang kasiyahan na naisakatuparan na naman niya ang isa sa mga pangangailangan ng kanyang anak.

Ayon pa sa post ni Mico, "ready" na raw ang bata sa kanyang online classes na isa sa mga inihaing paraan ng pag-aaral ng Department of Education kung matutuloy man ang pasukan sa Agosto 24.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother's love," ang bahagi ng caption ni Mico sa larawan ng mag-ina.

Isa raw tindera sa palengke ang nanay na matiyagang nakaipon para mabilhan ng smartphone ang kanyang anak.

Patunay ito na lahat talaga'y handang gawin ng isang ina maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanyang anak.

Samatala, hangad naman ng netizens na sana'y gamitin ito ng bata sa pag-aaral at huwag sa paglalaro lamang.

Ang ibang netizens naman dahil sa sobrang tuwa sa mag-ina ay nais magpaabot ng kanilang tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanialng mga komento:

"Iba talaga magmahal ang mga nanay, grabe! kita mong masaya pa siya o para sa anak"
"Sana di puro ML atupagin nung bata, halatang pinaghirapan ng nanay niya yan e"
"Naiyak ako, simple joys of a mother... lahat para sa anak"
"This is so heartwarming! saludo sa lahat ng dakilang nanay na nagsasakripisyo sa mga anak"
"Iginapang talaga ng nanay ang online classes ng kanyang anak, maswerte bata"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel