Senior citizen na nawalan ng trabaho, ginugutom ang sarili para may maibigay sa ina at kapatid

Senior citizen na nawalan ng trabaho, ginugutom ang sarili para may maibigay sa ina at kapatid

- Viral ang larawan ng isang senior citizen na dating dishwasher ngunit nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

- Nangalakal na lamang siya noong quarantine ngunit hindi naman ito magawang maibenta dahil ipinagbabawal pa

- Tinitipid niya ang sarili at minsa'y hindi na talaga kumakain para lamang may maibigay sa kanyang inang may sakit at kapatid na nag-aalaga rito

- Nakarating ito sa isang organisasyon na namimigay ng libreng pagkain sa mga kapos-palad lalo na ngayong panahon ng krisis at napapakain nila ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso nang makita ang kalagayan ng isang matandang lalaki sa Singapore na nawalan pala ng trabaho dala ng COVID-19.

Binahagi ng Hopes in Meals ang lalaking tinawag nilang "uncle" kung saan makikita ang larawan nito na tila may tambak ng basura sa kanyang bahay.

Nalaman ng KAMI na dahil sa nawalan ng trabaho si "uncle", napilitan siyang mangolekta ng basurang maari niyang ikalakal.

Ang problema, hindi pa niya ito maibenta hanggang Hunyo 2.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala na talagang makain ang matanda at napansin ito ng kanyang kapitbahay na siyang nagmalasakit na ilapit ang kalagayan ni "uncle" sa Hopes in Meals. Ito ay isang organisasyon na tumutulong sa pagpapakain ng mga taong kapos-palad.

Nang tanungin ng Hopes in Meals ang dahilan ng matanda kung bakit ginugutom niya ang sarili gayung mayroon namang ayuda ang kanilang gobyerno, sinabi nitong mayroon pa siyang inaalagaan.

93-anyos na raw ito at inaalagaan ng kanyang kapatid na may sakit na rin.

Hindi na siya kumakain upang may maibigay lamang sa ina at kapatid.

Dinadaan na lamang daw niya ito sa pag-inom ng maraming tubig at itinutulog na lamang niya ang kanyang katawan sakaling nakararamdam siya ng panghihina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabuti na lamang talaga at may nagmalaskit na kapitbahay na ilapit ito sa nasabing organisasyon kaya naman nakakain ang matanda ng maayos.

Sa naunang ulat ng KAMI, muli na namang nagpaabot ng tulong ang Syrian vlogger na si Basel Manadil sa dalawang construction worker na nawalan din ng trabaho dala ng COVID-19.

Kahit hindi naman kailangan ng renovation ng shop ni "The Hungry Syrian Wanderer," pinagawa niya ito upang may mapagkaabalahan ang dalawang construction worker at mayroon na rin silang pagkakitaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel