Mag-asawang Aga at Charlene, nagdiwang ng kanilang ika-19 na wedding anniversary

Mag-asawang Aga at Charlene, nagdiwang ng kanilang ika-19 na wedding anniversary

- Nagdiwang ng kanilang ika-19 na taong wedding anniversary ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales

- Sa pamamagitan ng isang social media post, inihayag ni Charlene ang kanyang pagbati para sa kanyang asawa

- Ibinahagi ni Charlene ang ilang litrato na kuha sa kanilang kasal noong May 28, 2001

- Nabiyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak na kanilang pinangalanang Atasha at Andres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang ika-19 na taong wedding anniversary, isang mensahe ng pagbati ang binahagi ni Charlene Gonzales sa social media para sa asawang si Aga Muhlach. Sa gitna ng umiiral na lockdown, walang nagawa ang mag-asawa kundi salubungin ang kanilang anibersaryo nang hindi lumalabas ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"19 years of love, marriage and happiness... My forever & ever... What a wonderful journey it continues to be.. Happy 19th Anniversary my Love, B... love you very much ," ani Charlene sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang collage ng mga litrato nilang mag-asawa noong sila ay kinasal.

Bumuhos naman ang mga pagbati para sa kanila:

One of the most beautiful showbiz couples in the Phl. Happy anniversary!
Happy anniversary, love birds! cheers for more years!
The prettiest and the handsomest!!! Happy Anniversary

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal ang dalawa noong May 28, 2001. Nabibiyayaan sila ng kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Si Aga Muhlach o Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay ay isang aktor at producer. Ikinasal siya kay Charlene noong March 28, 2001.

Si Charlene Gonzales ay isang TV personality, aktres at beauty queen. Tinanghal siya bilang Binibining Pilipinas Universe 1994 at kumatawan sa Pinas sa Miss Universe 1994 kung saan napasali siya sa Top 6. Nakilala din siya bilang isang talk show host at commercial model.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel