Ethel Booba, aminadong mas matindi ang nararamdamang takot dahil sa pagsasara ng comedy bars

Ethel Booba, aminadong mas matindi ang nararamdamang takot dahil sa pagsasara ng comedy bars

- Tila hindi pa rin makapaniwala si Ethel Booba na nagsara na ang ilan sa mga comedy bars sa Metro Manila

- Ikinabahala niya ito dahil isa ang pagiging stand-up comedienne sa kanyang mga hanapbuhay

- Aniya, nakakaramdam siya ng takot lalo at may anak siyang inaalala sa gitna ng pandemya

- Ipinagdasal niya ang kanyang kapwa komedyanteng nawalan ng trabaho matapos magsara ang ilang comedy bars

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naging madali para kay Ethel Booba ang tanggapin na nagsara na nga nang tuluyan ang ilang mga comedy bars.

Nakadama umano siya ng mas matinding takot ngayon na mayroon siyang anak at mayroon pang pandemya.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Ethel sa nakaraang episode ng “I Feel U”, sinabi ng singer-comedienne na mas inaalala niya ngayon ang anak na si Michaela kesa sa kanyang sarili.

Hindi nawawala sa kanyang dasal ang kaligtasan ng anak nila ni Jessie Salazar. Dalangin din umano na matapos na ang COVID-19 pandemic.

“Ngayon wala na sa akin, sa baby ko na, ang biggest fear ko sana ‘wag kami magkasakit, ‘yun lang ang lagi ko pinagpi-pray, parang ‘sige wag na lang magbukas ang mga comedy bar, basta wag lang kami magkasakit,’” ani Ethel.

Ethel Booba, aminadong mas matindi ang nararamdamang takot dahil sa pagsasara ng comedy bars

Ethel Booba (Photo from Ethel Booba's Instagram account)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Ethel, nadiskubre niya ang matinding pagmamahal ng isang ina na higit pa sa kanyang sarili nang magkaroon siya ng anak.

“Parang grabe nagawa ko to ‘yung magtiyaga, ‘yung mag-sacrifice kasi mahal na mahal mo ‘yung kaya mong gawin lahat. Ganu’n ‘yun ang na discover ko talaga,” pagbabahagi niya.

Kasama din umano sa kanyang dasal ang mga kapwa niya komedyante na nawalan ng trabaho.

“Nagsara na nga ‘yung mga bar, wala talaga akong idea kung ano ang mangyayari. Kaya dasal lang talaga at patuloy na kumapit at maniwalang matatapos din lahat ng ito,” positibo pang sabi ni Ethel Booba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kamakailan, naging viral ang kanyang pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa Anti-Terror Bill at Mass testing.

Naging kontrobersiyal din si Ethel matapos niyang ibunyag na hindi siya ang may hawak ng Twitter Account na nauna niya nang inako.

POPULAR: Read more about Ethel Booba here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel