John Prats at Isabel Oli, ibinahagi ang kasarian ng kanilang ikatlong anak

John Prats at Isabel Oli, ibinahagi ang kasarian ng kanilang ikatlong anak

- Ibinahagi ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli ang kasarian ng kanilang ikatlong anak

- Sa isang gender reveal party, masayang pinaalam ng mag-asawa ang gender ni Baby number 3 sa kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya

- Masayang ibinahagi ng mag-asawa na sila ay magkakaroong muli ng babaeng anak

- Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli ang tungkol sa kasarian ng kanilang pangatlong anak.

Sa isang video presentation muling pinakita ng mag-asawa ang mga naunang gender reveal party na naganap sa dalawang anak nilang sin Feather at Freedom.

Ikinuwento din ng aktor na nasabi niya sa kanyang magulang na okay na siya sa dalawang anak pero pag mabibiyayaan ng isa pa ay mas okay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya laking tuwa nila na nabigyan agad sila ng pangatlong anak. At ito ay isang babae. Masayang masaya ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan sa panibagong biyayang natanggap ng mag-asawa.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at kanilang mga kaibigan sa mundo ng showbiz nang ianunsyo nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Isabel..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si John Paulo Quiambao Prats ay isang aktor, komedyante, dancer, TV host, director, model at isang negosyante. Pinasok niya ang mundo ng showbiz noong taong 1992. Siya ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Camille Prats.

Matapos ang pinag-usapang flash mob na proposal ni John kay Isabel Oli noong September 24, 2014 sa Eastwood City, ikinasal sila noong May 16, 2015 sa Batangas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel