May-ari ng apartment na hindi naningil ng tatlong buwan, namigay pa ng ayuda

May-ari ng apartment na hindi naningil ng tatlong buwan, namigay pa ng ayuda

- Hinangaan ang mag-asawang may-ari ng isang paupahan na hindi na naningil ng renta ng pitong pitak na apartment

- Bukod pa rito, namigay pa sila ng isang sako ng bigas sa mga nagrerenta sa kanilang apartment

- Pumanaw na ang lalaking may-ari ng paupahan ngunit kasama sa habilin nito ang pamimigay ng ayuda sa mga nagrerenta

- Maging ang mga netizens ay humanga sa kabutihan ng mag-asawa at sana raw ay tularan ng iba pa lalo na ngayong dumaraan tayo sa matinding krisis dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post tungkol sa isang kasera sa Batangas dahil sa kabutihang loob nito na hindi na muna singilin ang mga nagrerenta sa kanila.

Ayon sa post ni Marron Leynes, isa sa mga nagrerenta sa paupahan nina "Aida at Cesar", laking pasasalamat nila sa mag-asawa dahil hindi naningil ang mga ito sa loob ng tatlong buwan.

"Godbless sa may ari ng aming inuupahang apartment, sa mag asawang "Aida & Cesar Ilagan ng Amapola brgy. 2 Lipa City. Pang 3 buwan na sila Hindi nag nagpapabayad ng renta (6,000 monthly)tapos 7 na pinto, laking kawalan sa negosyo nila pero nagawa pang magbigay ng ayuda," kwento ni Maroon sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pagmamalasakit pa ang ginawa ng mag-asawa sa mga nangungupahan sa kanilang apartment dahil karamihan sa mga ito'y pansamantalang nawalan ng kita dala ng community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19.

Bagaman at pumanaw na noong nakaraang buwan si Cesar, ang lalaking may-ari ng bahay, isa sa bilin daw nito ang pamimigay ng isang sakong bigas sa bawat pamilyang nangungupahan sa kanila.

Ayon pa kay Marron, binahagi niya ito upang ipakita ang kabutihan ng mag-asawa. Sa panahon kasing namomroblema ang lahat dala ng krisis, nangibabaw pa rin ang kabutihan ng mga ito.

Kaya naman umani rin sila ng papuri mula sa mga netizens at sana raw ay tularan pa ito ng marami sa pagiging mapagkumbaba sa kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang Marso 16 nang mailagay sa enhanced community quarantine ang Luzon bilang pag-iingat sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Mula nang araw na iyon, maraming Pilipino ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil kinakailangan nilang manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan.

Dahil dito, namroblema rin ang karamihan sa atin sa kung papaano sila makababayad ng mga buwanang bayarin tulad ng renta sa bahay at iba pang bills.

Kaya naman masasabing maswerte nga sina Marron sa pagkakaroon ng mababait na kasera na marunong magmalasakit sa kapwa lalo na sa panahon ng krisis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel