Erich Gonzales, ibinahagi ang harvest niya mula sa kanyang garden

Erich Gonzales, ibinahagi ang harvest niya mula sa kanyang garden

- Ibinahagi ni Erich Gonzales ang kanyang mga tanim sa kanyang bahay sa isang vlog

- Ayon sa kanya, mahilig talaga siya magtanim ng mga halaman kung wala siyang ibang ginagawa

- Ipinakita niya rin ang kanyang na aning mga prutas mula sa kanyang mga tanim kagaya ng saging at kalamansi

- Isa lamang si Erich sa ilan pang mga artistang nahihilig sa paghahalaman ngayong panahon ng quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ni Erich Gonzales ang kanyang mga pananim sa isang vlog na kanyang ibinahagi sa YouTube. Ayon sa kanya, mahilig siyang magtanim at natutuwa siyang makitang namumulaklak o tumubo ang kanyang mga tinatanim.

Ilan sa mga halamang kanyang ipinakita ay mga halamang namumulaklak, prutas, kagaya ng saging at kalamansi.

Ilan pa sa kanyang mga tanim ay papaya, pinya, guyabano, atmalunggay. Kinailangan pa niyang umakyat para makakuha ng bunga ng kalamansi.

Isa lamang si Erich sa mga artistang nahihilig sa paghahalaman. Ilan pa sa kanila ay sina Zsa Zsa Padilla, Neri Naig, Mylene Dizon, at Andi Eigenmann.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Lagi kong sinasabi na ‘pag nandito ako sa bahay, isa sa mga hilig kong gawin is mag-garden. So today ipapakita ko sa inyo ang mga pinagtatanim ko dito sa bahay,” ani Erich habang ipinapakita isa-isa ang kanyang mga tanim.

Narito ang ilan sa koment ng mga netizens:

Very simple lady walang make up pinag papawisan pero maganda at presko padin sa mata
Ate Erich...isa po ako taga hanga neo...idol n idol po kita I'm here in Doha Qatar...and I hope mkikita kita in personal...gagawa djn po ako channel para Lage po kita susubaybayan ...God bless po sau ate Rich.
You have a green fingers and a red heart, what a colorful person. :)

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Huling napanood si Erich sa teleseryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim CHiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel