Syrian vlogger, binigyan ng raket ang 2 construction worker upang may pagkakitaan

Syrian vlogger, binigyan ng raket ang 2 construction worker upang may pagkakitaan

- Tinulungan ng Syrian vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer ang dalwang construction worker na nawalan ng trabaho nang halos tatlong buwan dahil sa community quarantine

- Kahit hindi pa naman kailangan ng renovation ng kanyang shop, pinaayos niya ito sa dalawa upang may pagkaabalahan at may pagkakitaan na rin

- Bakas sa mukha ng construction workers ang kasiyahan na nabigyan sila ng pagkakataong makapagtrabaho lalo na at wala sila ngayong hanapbuhay

- Maraming beses nang naghatid ng tulong si The Hungry Syrian Wanderer lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nag-abot ng tulong si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Sa kanyang Facebook page, binahagi niya ang kwento ng dalawang construction workers na hindi lang niya basta inabutan ng tulong, binigyan pa niya ito ng pagkakakitaan.

Kahit di pa naman daw kailangan ng renovation ng kanyang shop, ipinaayos niya ito sa dalawa para may mapagkaabalahan ang mga ito at mayroong pang pagkakakitaan.

Halos tatlong buwan na kasing walang trabaho ang dalawa tulad na rin ng maraming construction workers na tigil ang hanapbuhay dahil sa community quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Helping JOBLESS & STRANDED "Construction Workers" Kababayan by hiring them and do unnecessary renovation in my shop just to keep them doing what they are good at (profession) and at the same time helping them get by during this times," ang caption ng vlogger sa kanyang post.

Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan na mayroon na silang pagkakakitaan ngayong wala pang katiyakan ang kanilang pagbabalik trabaho.

Nilinaw naman ni Basel na binabahagi niya ang kanyang pagtulong upang maghatid ng positive vibes sa tao at magsilbing inspirasyon na tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na at patuloy pa rin tayong humaharap sa krisis dala ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, nagawa ring tulungan ni The Hungry Syrian Wanderer ang mag-asawang pangangalakal ang siyang ikinabubuhay.

Namangha kasi siya sa dalawa dahil sa kabila ng kanilang estado sa buhay, handa pa rin silang tumulong sa paraang alam at kaya nila.

Kilala si Basel bilang isang vlogger na naka-base sa ating bansa. Mahal niya ang Pilipinas kaya naman mas pinili niyang manirahan dito.

Marunong na rin siyang mag-tagalog at sanay na siyang makihalubilo sa mga Pilipino. Mas lalo siyang nakilala dahil ang kanyang mga vlogs ay patungkol sa pagtulong sa mga Pinoy na naghihikahos lalo na ngayon na dumaranas tayo ng krisis dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel