Dalawang unipormadong lalaking magkaangkas sa motor, umani ng reaksiyon

Dalawang unipormadong lalaking magkaangkas sa motor, umani ng reaksiyon

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang litrato ng dalawang lalaking magkaangkas sa motor

- Nakasuot sila ng berdeng uniporme na may tatak na IRT o incident response team

- Inalmahan ng mga netizens ang aksiyon ng nasabing mga lalaki dahil bawal ang pag-angkas sa motorsiklo

- Matatandaang pinagbawal ito simula nang ipatupad ang community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang litrato ng dalawang lalaking nakasuot ng berdeng unipormeng may tatak na IRT o incident response team. Inalmahan ng mga netizens ang pag-angkas ng isa sa kanila sa motorsiklo gayong pinagbabawal ito sa ilalim ng panuntunan para sa pinapatupad na community quarantine.

Bukod dito, parehas din silang walang suot na helmet na isa ding paglabag sa ipinapatupad na batas.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Facebook user na si Elluis Albert Dela Rosa, inilabas niya ang saloobin hinggil sa hindi makatarungang sistema pagdating sa pagpapatupad ng batas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pag naka UNIFORME walang BATAS? Tapos yung mga asawa naming gusto na pumasok sa trabaho bawal namin iangkas? Ibang klase talaga dito sa pinas kaya walang pag unlad. Pa kalat lang natin. Baka sakaling marinig," aniya.

Marami ang sumang-ayon sa sentimyentong ito ng Facebook user.

Exempted po cla kung baga sa eskwelahan cla yong especial child kasi di nila siguro alam bawal yan wala pa silang helmet.
Pag kami ang higpit nyo tapos pag kayo Ok lang. Sana matigil na itong mga ganitong sistema.
Hindi talaga patas ang batas dito sa Pinas. Ang batas na inemplement ng gobyerno ay para sa mahihirap lang.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 6,600 reactions at 76,000 shares ang nasabing post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang pinagbawal ang pag-angkas sa motorsiklo simula nang ipatupad ang community quarantine. Ito ay upang mapanatili ang social distancing. Gayunpaman, marami ang kumontra dito lalo na para sa mga mag-asawang magkasama naman sa bahay.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel