Diskarte at determinasyon: Pinoy delivery rider na PWD, hinangaan ng marami

Diskarte at determinasyon: Pinoy delivery rider na PWD, hinangaan ng marami

- Viral ang larawan ng isang Pinoy delivery rider na PWD ngunit nagawa pa ring maghanap buhay

- Makikita sa larawang putol ang binti nito at dala rin niya ang kanyang saklay na nakalagay sa kanyang likod

- Maraming netizens ang humanga sa diskarte na ito ng rider na hindi ininda ang kanyang kalagayan

- Nararapat lamang daw itong tularan at gawing inspirasyon sa araw-araw nating pagharap sa hamon ng mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa social media ang larawan ng Pinoy food delivery rider na isa palang person with disability o PWD.

Nalaman ng KAMI na wala palang binti ang lalaki ngunit tuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay.

Binahagi ng netizen na si Jheyr Villorente ang larawan ng rider at labis siyang humahanga sa diskarte nito sa buhay.

Sa panahon ngayong halos tatlong buwan nawalan ng trabaho ang karamihan ng Pilipino dahil sa community quarantine sa iba't ibang lugar, kahanga-hanga ang diskarte ng rider na ito.

Dala ang saklay na nakalagay sa kanyang likod, di alintana ng delivery rider ang kanyang kapansanan upang magampanan ng maayos ang kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Jheyr, imbis na umasa lamang ang rider sa ayuda ng pamahalaan, nagawa pa nitong maghanapbuhay upang matiyak na may maipakain siya sa kanyang pamilya.

"Lahat ay dumadaan sa pandemic na dala ng COVID 19. Pero magkaiba ng decision ang bawat tao, mag antay ng ayuda or gumawa ng paraan? San ka don? Sir, isa kang inspirasyon," ang caption ng post.

Maging ang iba pang netizens ay hanga sa determinasyong ipinakita ng lalaking ito. Habang ang ilan ay umaasa lamang sa hingi o bigay ng gobyerno man o ng mga taong nagmamalasakit, ang lalaking ito ay masigasig na nagtatrabaho kahit mahirap ito para sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Saludo ako sa iyo Sir, kahit may kapansanan gumagawa ka ng paraan para may mabuhay. Ingat po kayo Sir"
"Patnubayan ka anak ng ating Diyos sa iyong araw araw na paglalakbay."
"Sana wala nang manloloko na prank orders, paano kung matapat sa tulad ng rider na ito? makonsensya sila"
"Nakakabilib naman si kuya, talagang nagtrabaho pa rin siya kahit mahirap yang ginagawa niya"
"Anong sinabi ngayon ng mga tambay na palamunin ng pamilya nila, eto o! si kuya, putol ang binti pero ratsada pa rin sa trabaho!"
"Dapat kang tularan kuya, inspirasyon ka sa marami, sana biyayaan ka pa ng Diyos dahil sa kasipagan mo"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel