Food delivery riders, naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagiging biktima ng fake booking

Food delivery riders, naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagiging biktima ng fake booking

- Marami ang nabahala sa dumaraming kaso ng nabibiktima ng fake booking

- Ilang beses nang nag-viral sa social media ang kwento ng mga food delivery riders at restaurant owners na nabibiktima

- Nauuso ngayon ang pag-order ng pagkain online dahil sa mga pinatupad na lockdown

- Kaya naman maituturing na frontliners ang mga food delivery riders

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos isailalim sa community quarantine at ipatupad ang mga alituntunin upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19, naging malaking tulong para sa karamihan ang pag-order ng pagkain sa mga online app.

Kaya naman ikinabahala ng maraming netizens ang dumaraming nabibiktima ng fake booking.

Sa isang ulat ng GMA News, inilabas ng ilang restaurant owners at drivers ang kanilang saloobin hinggil sa kanilang naging karanasan.

Matatandaang naging viral kamakailan ang post ng Facebook page ng isang restaurant matapos silang mabiktima ng fake booking.

"Malungkot na malungkot kami noong gabi na 'yun kasi buong araw namin kinita 'yun," sabi ni Junar, isa sa may-ari ng restaurant.

Ipinost nila sa social media ang kanilang karanasan para magsilbing babala rin sa ibang katulad nilang negosyante.

Matapos mag-viral, umani ng simpatya ang kanilang post at marami ang naghayag ng kanilang pagnanais na makatulong.

Gayunpaman, dahil ayaw na rin naman ng rider na tumanggap ng pera, ginamit nila ang donasyon para makapagluto ng binalot meals na ipinadala nila sa mga frontliner.

Ang food delivery rider na si Mang Romano, inabot daw ng isang oras para kunin ang pagkain at isang oras para maihatid sa umorder.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inabot din ng isang oras ang pagkontak niya sa nag-order pero napag-alaman niyang ginamit lamang ng ibang tao ang ID ng nasabing customer.

"Ako po ay 49 years old at maraming anak na binubuhay. Sana hindi na nila gawin sa iba, nakakapagod," pagbabahagi ni Mang Romano.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa Central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate