Grad pic nina "Jollibee" at "McDo", kinagiliwan ng netizens online

Grad pic nina "Jollibee" at "McDo", kinagiliwan ng netizens online

- Kinagiliwan online ang larawan ng magkapatid na sina "Jollibee" at McDonald" na nakapagtapos ng kolehiyo

- Binati sila ng dating estudyante ng kanilang ina kaya naman agaw pansin lalo ang mga pangalan nito

- Ayon pa sa netizen na nagbahagi ng larawan ng dalawa, napakabuti rin ng pamilya nina Jollibee at McDonald na itinuring na siyang miyembro nila

- Labis na natutuwa ang netizen sa tagumpay na natamo ng magkapatid at hangad niya mas marami pang biyaya sa dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang graduation pictures nina Jollibee Pangindian at McDonald Pangindinan.

Nalaman ng KAMI na sila ay magkapatid na sabay na nagtapos ng kolehiyo.

Binahagi ng netizen na si Mark Lester Andrei Cruzet ang larawan ng dalawa upang batiin na rin sa tagumpay na kanilang nakamit.

Ayon pa Mark Lester, parang kapatid na rin ang turing niya sa dalawa dahil minsan siyang naging estudyante ng nanay ng magkapatid.

Pamilya na ang turing sa kanya nina Jollibee at McDonald at malaki rin ang naitulong ng mga ito sa kanya. Katunayan, "Kuya Lester" ang tawag ng mga ito sa kanya.

Naikwento rin ni Mark Lester na sinadya ng mga magulang ng dalawa na ipangalan sila sa mga sikat na fast food chain.

Ito ay para raw maging kakaiba at madaling maalala ng mga taong makakasalamuha ng magkapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masaya rin ang kanilang "Kuya Lester" sa tagumpay na natamasa ng dalawa. Hangad niya na patuloy ang dating ng mga biyaya para sa magkapatid.

Samantala, maging ang mga netizens ay namangha sa pangalan ng magkapatid na si Jolli at McDo.

Inakala raw nila noong una na pawang mga crew ng Jollibee at McDo ang dalawa na nakatapos ng kolehiyo.

Ayon pa sa ilan baka raw ipinaglihi ang dalawa sa patok na fast food chain sa buong mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens:

"Wow! ang cool naman ng parents nila para pangalanan sila niyan"
"Baka favorite ng parents nila ang Jollibee at McDonald's"
"Haha, baka yung mommy gusto Jollibee at si daddy naman nila McDo ang gusto"
"Ang cute! madami nga namang tandaan na magkapatid sila!"
"Naalala ko sila hihi.dahil sa name nila talaga, sikat sa school name nila ih"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel