Kim Chiu, malaki ang pasasalamat kay Xian Lim sa suporta nito sa kanya

Kim Chiu, malaki ang pasasalamat kay Xian Lim sa suporta nito sa kanya

- Isa si Kim Chiu sa pinakapinag-usapang celebrity nitong mga nakaraang araw

- Ito ay matapos niyang maghayag ng kanyang saloobin kung saan umani siya ng pambabatikos

- Naitayo ng aktres ang kanyang sarili mula sa pagkalugmok dahil sa kanyang "Bawal Lumabas" na komento

- Ibinahagi ng aktres na naging sandalan niya ang kanyang nobyong si Xian Lim sa gitna ng mga pambabatikos na kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinutakti ng kritisismo at pambabatikos ang Kapamilya actress na si Kim Chiu kamakailan. Ito ay matapos mag-viral ang kanyang pagbibigay ng saloobin kaugnay sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Binatikos siya dahil sa kanyang "Bawal Lumabas" na statement at kinantiyawan. Gayunpaman, umani siya ng paghanga matapos niyang bumangon mula sa pagkakalugmok.

Imbes na maging sensitibo sa mga negatibong komento, napagpasyahan ng aktres na gawing positibo ang mga nangyari sa kanya. Umabot ng milyon-milyong views ang kanyang awiting "Bawal Lumabas" na hango sa kanyang kontrobersiyal na pahayag.

Sa isang panayam ni Ruffa Gutierrez kay Kim, ibinahagi niyang naging sandalan niya ang kanyang nobyong si Xian Lim sa gitna ng pambabatikos na dinanas.

“Parang yun na yata ang pinakamarami kong tawag sa kanya. Para siyang sponge. Kapag may problema ako, nalilipat sa kanya, tapos siya yung nagkaka-anxiety,” ani Kim.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaki umano ang naitulong sa kanya na hindi siya pinabayaan ni Xian at lagi silang magkausap.

“Buti na lang lagi ko siyang kausap, lagi kaming magkakuwentuhan. Ina-advise niya rin ako kasi siya din, binash din siya dati ng mga tao,” dagdag pa niya.

Aniya, natuto siyang maging mas positibo dahil sa nangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“At the end of the day, tinitingnan ko na lang yung brighter side. Maraming views [yung mga bashers kong gumagawa ng videos] so kumikita sila because of me,” paglalahad niya.

Si Kim Chiu ay isang aktres, commercial model, endorser at recording artist. Pinasok niya ang mundo ng showbiz sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother kung saan siya tinanghal bilang Big Winner.

POPULAR: Read more about Kim Chiu here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel