Ben Tulfo, bumwelta sa mga tagasuporta ni FLM na bumatikos sa kanya

Ben Tulfo, bumwelta sa mga tagasuporta ni FLM na bumatikos sa kanya

- Bumwelta si Ben Tulfo sa mga komento ng mga tagasuporta ni Francis Leo Marcos

- Ito ay matapos niyang magbigay ng pahayag hinggil sa kaso ng kontrobersiyal na si FLM

- Hindi umano siya natatakot sa mga banta ng mga tagahanga ni FLM na i-unfollow siya dahil sa kanyang sinabi

- Matatandaang inaresto si FLM o Norman Mangusin dahil sa kasong isinampa sa kanya na ngayon ay nadagdagan pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nangiming magsalita si Ben Tulfo hinggil sa kasong kinasasangkutan ni Francis Leo Marcos (FLM) o Norman Mangusin.

Hindi niya pinalampas ang mga salitang binitawan ng ilan sa mga tagasuporta ni FLM matapos niyang magbigay ng opinyon hinggil dito.

Aniya, hindi siya apektado sa mga rant ng mga tagasuporta ni Mangusin.

Binuweltahan niya ang isang netizen na tumawag sa kanyang Boy Ngawngaw. Ayon sa netizen parehas lang sila ng kapatid niyng si Erwin Tulfo na puro fake news.

Paliwanag ni Ben, walang masama kung iniidolo ng ilan si FLM.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muli niyang pinaalala na simula noong 2002 ay nilalantad nila ang mali at mga taong mapang-abuso. Aniya wala siyang maipapamudmod na bigas kagaya ni Mangusin.

Inilantad din niya ang mudos ng ilang mga scammer gamit ang gold bars.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang rekasiyon ng ilang netizens hinggil sa naging pahayag ni Ben Tulfo:

Tumulong yang tao.dahil po may may manga sakit ngayon.at ginising Lang po Ang mayaman na politiko.para tumulong din.mabuti tao po so leo marcos
Dati idol kita pero sa nakikita ko at naririnig d ka pala dapat na iidolo kc d pantay ang tingin nyo sa mga Tao hinuhusgahan nyo ung taong d PA Natin Alam lahat kung ano ang katotohanan.
Ako walang coment abangan ko nalang ang tutuo.saka na ako mag comment.

Si Ben Tulfo o Ramon S. Bienvenido Teshiba Tulfo ay isang a Filipino TV at radio personality at entrepreneur. Ang kanyang programang Bitag ay nakatanggap na nag maraming pagkilala mula sa iba't-ibang award-giving bodies.

POPULAR: Read more news about Francis Leo Marcos here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel