OFW na may COVID-19, isinama pa rin ng employer sa ibang Pinoy sa iisang kwarto

OFW na may COVID-19, isinama pa rin ng employer sa ibang Pinoy sa iisang kwarto

- Humingi na ng saklolo ang isang OFW sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19 doon

- Kahit lumabas na positibo siya sa virus, isinama pa rin siya di umano ng kanyang employer sa mga kapwa niya Pinoy sa iisang kwarto

- Walo silang magkakasama at tatlo na sa kanila ang nagpositibo sa virus

- Hindi rin umano sila napasahod ng maayos lalo nang lumagnap na ang pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob nang humingi ng saklolo ang OFW na si Alvin Benitez na tinamaang COVID-19 sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nalaman ng KAMI na labis na nangangamba si Alvin dahil bagaman at siya ay nagpositibo sa virus, isinama pa rin di umano siya ng kanilang employer sa iisang kwarto kasama pa rin ng ibang Pinoy.

Sa panayam ng TV Patrol kay Alvin, ipinakita niya ang kalunos-lunos na kalagayan nila sa sinasabing kwarto kasama ang iba pang kapwa niya OFW.

Walo sila sa kwarto at tatlo na silang nagpositibo sa virus. Mayroon din silang isang kasamahan na hindi pa sumasailalim sa swab test.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ni Alvin, pinagtrabaho pa siya noon habang wala pang resulta ang isinagawang test sa kanya na kalaunan ay positibo pala siya.

Natatakot siyang magkahawahan na silang lahat at huwag na rin daw sanang hintayin na may pumanaw pa sa kanila bago sila matulungan.

Ayon sa OWWA, gagawan nila ng paraan na maisaayos ang kalagayan ni Alvin at iba pa niyang mga kasama roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sakaling mapahintulutan na silang makauwi, sisiguraduhin din umano ng OWWA na makukuha nina Alvin ang sahod na hindi naibigay sa kanila ng maayos.

Sa naunang ulat ng KAMI, ilang OFW na rin ang humingi ng tulong dahil sa mayroon paunti-unti nang namamatay ang kanilang mga kasamahan dahil nagkakahawahan na sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel