DJ Loonyo nilinaw ang tungkol sa Claire-Ivana issue

DJ Loonyo nilinaw ang tungkol sa Claire-Ivana issue

- Naging usap-usapankamakailan ang tungkol sa pag-unfollow ni Ivana Alawi kay DJ Lonyoo

- Kasabay nito ay nadawit ang pangalan ng isang babaeng nagngangalang Claire Gomez

- Kaya naman, nilinaw ni DJ Lonyoo ang diumano'y tunay na nangyari sa kanilang tatlo

- Ayon sa kanya, kaibigan lang ang turing niya kay Claire at mahal niya umano si Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos naging usap-usapan ang pag-unfollow ni Ivana Alawi kay DJ Lonyoo, nadawit ang pangalan ng isang nagngangalang Claire Gomez.

Ayon kay DJ Loonyo, nililinaw niya ang tungkol sa isyu hindi dahil gusto niyang sagutin ang mga bashers kundi dahil naapektuhan na rin ang dalawang babae sa nasabing isyu.

Paglilinaw niya, naging kachat niya si Claire bago pa man nangyari ang "Boyfriend Prank" na ginawa nila ni Ivana. Gayunpaman, hindi niya umano binalak na magkaroon ng relasyon kay Claire.

Aminado siyang itinago niya kay Claire na may nararamdaman siya para kay Ivana. Gayunpaman, inunti-unti niya nang itigil ang pakikipag-ugnayan niya umano kay Claire.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, iba ang nararamdaman niya para kay Ivana at inamin niyang mahal niya ito. Sa kabila ng pangyayari, patuloy umano niyang susuportahan at mamahalin si Ivana.

Naglabas din ng saloobin si Claire matapos ang video na inilabas ni DJ Lunyoo. Inilabas niya ang kanyang sama ng loob matapos siyang sisihin ng ilang Loovana fans sa pag-unfollow umano ni Ivana kay DJ Loonyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio ay isang China-based Filipino choreographer na nakilala sa kanyang paggawa ng mga dance covers sa social media. Nakilala ang tambalan nila ng aktres na si Ivana Alawi matapos nilang magkasama sa isang YouTube video ng aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel