Kapatid ng OFW na pumanaw dahil sa COVID-19, binahagi ang emosyonal na pamamaalam

Kapatid ng OFW na pumanaw dahil sa COVID-19, binahagi ang emosyonal na pamamaalam

- Binahagi ni Fely Plangca Moore ng naging emosyonal na pamamaalam niya sa kayang kapatid na si Miguel Plangca

- Si Miguel ang OFW sa Ireland na pumanaw dahil sa COVID-19 noong Mayo 13

- Si Fely na ngayon ang tumatayong guardian sa mga anak ng kanyang kapatid dahil ulila na rin sa ina ang mga ito

- Maging si Fely ay tinamaan din ng COVID-19 ngunit siya ay pinalad na maka-recover

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Fely Plangca Moore ang emosyonal na pamamaalam niya sa kapatid na si Miguel Plangca.

Si Miguel isang OFW sa Ireland na tinamaan ng COVID-19 at sa kasamaang palad ay pumanaw na noong Mayo 13.

Sa naunang ulat ng KAMI, nasabing naulila ni Miguel ang apat niyang mga anak. Pumanaw na rin kasi ang kanyang misis noong 2014.

Dahil dito, si Fely na umano ang tumatayong guardian ngayon ng mga anak ng kapatid.

Kwento ni Fely ang kapatid niyang si "Loloy" (tawag niya kay Miguel) ang humimok sa kanya na magpunta ng Ireland.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

2008 nang makumbinsi siya ng nakababatang kapatid at doon na siya nagka-asawa at nagkaanak.

Maayos naman ang takbo ng kanilang pamumuhay, lalo na nang dalhin na ni Miguel ang mga anak sa Ireland noong 2016.

Hanggang sa tinamaan ng COVID-19 sina Fely at Miguel. Mapalad na naka-recover si Fely ngunit ang kanyang kapatid ay labis na pinahirapan ng virus.

41 na araw din ang tinagal nito sa ospital bago tuluyang malagutan ng hininga.

Mayo 13 nang tapatin na sila ng doktor na oras na lamang ang itatagal ni Miguel.

Nagkaroon pa sila ng pagkakataong mamaalam sa ama at kapatid online.

Doon, sinabi ni Fely ang "Ayaw kabalaka kay ako magbantay sa mga bata.” (Huwag kang mag-alala ako ang magbabantay sa mga bata)

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakita pa nilang tumulo ang luha ni "Loloy" nang masabi ito ng kapatid.

Noon daw napagtanto ni Fely ang dahilan kung bakit nahikayat siya ng nakababatang kapatid na magpunta sa Ireland.

“Looking back, now I know why Loloy wanted me to move to Ireland. He wanted me to look after his children when he dies,” aniya.

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Fely sa mga tumulong sa kanilang pamilya lalo na sa mga naulila ng kanyang kapatid.

Umabot na kasi sa 16 million pesos ang halaga ng nalikom nila mula sa 8,000 na mga nagbigay ng donasyon.

Ito ay sa tulong ng Philippine Consulate Officer & Kildare Filipino Community President Aina Conway sa pamamagitan ng gofundme account (https://www.gofundme.com/f/kuya-miguel-plangca039s-funds-for-his-treasures.)

Ilalaan daw ito sa para sa trust fund ng mga bata para na rin sa edukasyon nga mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel