Willie Revillame, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa pagkakaroon ng yaman

Willie Revillame, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa pagkakaroon ng yaman

- Ibinahagi ng TV host na si Willie Revillame ang kanyang pananaw hinggil sa pagkakaroon ng marangyang buhay

- Ayon sa OPM legend na si Marco Sison, hinahangaan niya ng labis ang TV host dahil sa pagiging matulungin nito

- Dagdag pa ng singer, nakatitiyak siyang mananalo si Kuya Wil sa halalan kung tatakbo ito

- Sagot naman ni Willie, nasa pulitiko kung nanaisin nitong maglingkod at tumulong ng tapat sa mga tao o kung magpapayaman lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag kamakailan ni Marco Sison ang kanyang paghanga kay Willie Revillame dahil sa pagtulong nito sa mga tao. Ito ay naganap sa pagbisita ng OPM legend sa "Wowowin-Tutol To Win."

Nakakasiguro umano si Marco na mananalo si Kuya Wil sa halalan kung tatakbo ito sa posisyon.

Sagot ng TV host, depende na sa politiko nanaisin nitong maglingkod at tumulong sa mga tao o kung magpapayaman lang.

Dagdag pa niya, ang mahalaga ay malinis ang adhikain at hangarin ng isang public servant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, hindi naman madadala ng kahit sino ang yaman nila pag sila ay pumanaw.

"Sa ataul mo, pantalon mo, barong mo lang, baka wala ka pang brief, yun lang dala mo. Yung maiiwan mo hindi mo na alam," aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa mayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay "Willingly Yours", Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Sa naunang ulat ng KAMI, umalma si Willie Revillame sa isang digital magazine tungkol sa isa umanong fake news tungkol sa kanya.

POPULAR: Read more about Willie Revillame here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel