Klase sa South Korea, muling kinansela sa pagtaas ng bilang ng COVID-19

Klase sa South Korea, muling kinansela sa pagtaas ng bilang ng COVID-19

- Muling isinara ang mga paaralan sa South Korea matapos ang pagkakaroon ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 doon

- Isang araw lamang ang lumipas matapos na magbukas ang klase, 79 na bagong kaso ang agad na naitala

- Itinuturo nilang dahilan ang pagbubukas ng isang ditribution warehouse na hindi raw umano sumusunod sa safety protocols kaya't mabilis na namang kumalat ang virus

- Sa isinawang pagsusuri, nagkalat ang virus sa mga damit at sapatos ng mga empleyado

- Ang masaklap pa nito, ilang kabataan na ang magulang ay nagtatrabaho sa naturang distribution warehouse ay tinamaan ng COVID-19

- Inaasahang tataas pa raw muli ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea sa mga susunod na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling sinuspinde ang klase sa mga paaralan sa South Korea matapos na tumaas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Nalaman ng KAMI na isang araw lamang mula nang magsimula muli ang klase, 79 na bagong kaso ang agad na naidagdag kinabukasan.

Base sa ulat ng BBC News, mahigit 200 na mga paaralan ang agad na nagsara matapos ang muling pagkakaroon ng naitalang nag-positibo sa virus.

Karamihan di umano sa mga bagong kaso ay mula sa binuksang disribution centre sa labas ng Seoul.

Sa isinagawang imbestigasyon, hindi raw umano sumusunod sa safety protocols ang nasabing warehouse.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilan sa mga empleyado nito ay kinakitaan ng bahid ng virus sa kanilang mga damit at sapatos.

Ang masaklap pa rito, may ilang naitalang kaso kung saan ang anak ng mga empleyado ng distribution centre ay tinamaan ng virus.

Muli ring isinara ang mga museums at ilan pang pampublikong lugar. Maging ang mga opisina ay sinasabihang bumalik muli sa dating flixible na workforce. Mahigpit na pinagbabawal muli ang mass gatherings.

Nito lamang simula nang taon, bagaman at bumulusok pataas ang kaso ng COVID-19 sa South Korea, agad nilang napigilan ang paglobo nito dahil sa ginawa nilang "trace, test and treat" programme.

Mga paaralan sa South Korea, muling isinara sa biglang pagtaas ulit ng kasi ng COVID-19

source: Aljazeera
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, inaasahang tataas muli ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa dahil sa isinasagawang testing sa libon-libong empleyado na nakabalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Disyembre ng nakaraang taon unang pumutok ang balitang laganap na sa Wuhan, China ang noo'y tinawag na 2019 novel coronavirus o nCoV na mas kilala na ngayon sa tawag na COVID-19. Mabilis na kumalat ito sa iba't ibang bahagi ng mundo kung saan ang Estados Unidos na ngayon ang may pinakamaraming naitalang kaso nito sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel