Single father na food delivery rider, dala-dala ang anak sa paghahanap-buhay

Single father na food delivery rider, dala-dala ang anak sa paghahanap-buhay

- Marami ang humanga sa isang food delivery rider na isa ring single father

- Bukod sa kanyang dalawang trabaho, mag-isa niya ring tinataguyod ang kanyang anak

- Kasa-kasama niya ang kanyang anak na lalaki sa kanyang paghahanap-buhay

- Marami ang naantig at humiling na sana ay makahanap ng mas magandang trabaho ang huwarang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang single father na nagtatrabaho bilang food delivery driver ang naging viral kamakailan sa social media. Ito ay matapos kumalat ang litrato niya habang nagtatrabaho at kasa-kasama ang kanyang maliit na anak na lalaki.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, ang 24-anyos na kinilala sa pangalang Lin ay mula sa Taiwan. Dalawa ang trabaho ni Lin. Pumapasok siya bilang construction worker mula 8:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon.

Single father na food delivery rider, dala-dala ang anak sa paghahanap-buhay

Single father na food delivery rider, dala-dala ang anak sa paghahanap-buhay
Source: Facebook

Pagkatapos nito ay magtatrabaho naman siya bilang taga-hatid ng mga pagkain sa mga customer na nag-oorder online. Ginagawa niya ito mula 6:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Handa siyang magsakripisyo para sa anak pero kinailangan niya din dalhin sa kanyang pagtatrabaho ang anak dahil wala siya umanong mapagbilinan nito.

Minsan nakakatulog ang bata habang nakaupo sa motorsiklo ng ama. Marami ang naantig sa kalagayan ng mag-ama at humiling na sana ay makahanap ng mas maayos na trabaho si Lin na mas ligtas para sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel