Babaeng uminda lang ng ordinaryong pananakit ng tiyan, buntis pala at manganganak na
- Laking gulat ng mag-asawang ito nang malamang nagdadalang tao ang misis
- Ngunit mas nagulat sila nang malamang ang simpleng check-up ay mauuwi na sa panganganak agad
- Wala silang kaalam-alam na buntis na pala ang misis sa loob ng 38 na linggo kaya aminado silang hindi sila nakapag-ingat at hindi nila napaghandaan ang pagbubuntis na ito
- Mayroon kasing polycystic ovary syndrome (PCOS) at napakalaking biyaya na na nagkaroon sila ng isang malusog na baby boy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Milagrong maituturing ang biglaang panganganak ni Pia Rapusas na walang kaalam-alam na siya pala ay siyam na buwan nang buntis.
Nalaman ng KAMI na mayroong polycystic ovary syndrome (PCOS), kaya naman alam nilang maliit talaga ang tyansa na sila'y magkaroon ng anak.
Ayon sa kwentong binahagi ni Pia at nang asawang si Jonathan sa GMA News, 2014 pa nang humiling sila sa Diyos ng supling na papangalanan nilang Isaiah.
Hindi nila akalain na tutuparin ito, makalipas ng anim na taon. Mayo 6 nang makaramdam ng kakaibang pananakit ng tiyan si Pia.
Inakala niyang tila ito ay dysmennorhea ngunit umabot nang dalawang araw at hindi na siya pinatutulog ng pananakit na ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hanggang sa naisip nilang mag-pregnancy test sa pagbabaka-sakaling siya ay buntis.
Tuwang-tuwa sila nang malamang nagdadalang tao na si Pia.
Upang kumpimahin, at makita na rin ang kalagayan ng kanyang pagbubuntis, nagdesisyon na rin silang komunsulta sa doktor noong Mayo 8.
Matapos ang ilan pang isinagawang test kay Pia, laking gulat din ng doktor nang malamang 38 weeks na palang buntis si Pia at manganganak na ito.
“Ma’am, ulo na po ang nakakapa ko," sabi ng kayang doktora.
"Sabi ko, huh? Joke ba ‘to?" ang biglang naisip daw ni Pia.
"Manganganak ka na. Nagle-labor ka," dagdag pa ng kanyang doktora.
Nagdesisyon silang manatili sa ospital at doon niya isinilang ang malusog na baby boy.
Tulad nang hiniling nila noong 2014, Isaiah nga ang ipinangalan nila rito.
Halos hindi makapaniwala ang mag-asawa na sa inaakala nilang pagbubuntis pa lamang ay panganganak na pala ng misis sa araw na iyon.
Nang balikan din daw ni Pia ang kanyang mga ginawa, naisip niyang hindi manlang niya napaghandaan ang pagbubuntis ngunit laking pasalamat nila na malusog parin ang kanilang supling.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa obstetrician-gynecologist na si Dr. Rebecca Singson, cryptic pregnancy ang tawag sa nangyari kay Pia.
"Kasi ang mga PCOS talagang hindi sila nag-o-ovulate, so hindi sila nagme-menstruate ng regular. They keep trying and trying to get pregnant, all of a sudden nabuntis sila and they are not aware of it," paliwanag ng doktor.
Dahil daw sadyang may kalakihan si Pia, hindi nila nahalatang nagbubuntis na pala ito.
Matapos ang ilang linggong pamamalagi sa ospital dala ng ilang komplikasyon, nakauwi na si Isaiah sa kanilang tahanan noong Mayo 23.
“Sabi ko, grabe itong batang ito. He's a fighter. He's brave kasi talagang nakakapit lang siya doon… Matindi ang kapit niya sa aking tummy,” ayon kay Pia.
"All glory to Him for this miracle sa buhay naming mag-asawa. At sa amin talaga ginawa ano. Kay Jon at Pia Rapusas nangyari itong kuwentong ito,” pagtatapos ni Pia sa panayam sa kanila.
Tunay na sa kabila ng pandemya at krisis na dulot nito sa mundo, mayroon pa ring milagrong nagaganap na nagbibigay pag-asa sa ating buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh