Ina ng 6-anyos na may leukemia, buong tapang na binahagi ang laban nilang mag-ina

Ina ng 6-anyos na may leukemia, buong tapang na binahagi ang laban nilang mag-ina

- Binahagi ng isang ina ang kwento nila ng kanyang anak na tinamaan ng kakaibang sakit sa dugo

- Kahanga-hanga ang kanilang katatagan dahil apat na taon na silang nakikipaglaban sa karamdaman kanyang anak

- Aminado siyang marami na rin siyang pinagdaanan, ngunit lahat iyo'y para sa pagpapagaling ng napakabuting anak

- Ayon pa sa ina, napaka-positibo ng kanyang anak sa kabila ng karamdaman nito kaya naman walang makapipigil sa kanya upang gawin ang lahat masiguro lamang ang paggaling na anak

- Kumakatok din sila sa may mga mabubuting puso na nais mag-donate ng dugo at anumang tulong na maibibigay para sa batang si Kaith

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang ang lahat ay namomroblema, nababagabag at nababahala sa COVID-19, isang bata ang tahimik na nakikipaglaban sa sakit na apat na taon na niyang hinaharap.

Binahagi ng kanyang ina na si Janice Magtibay ang nakakaantig puso nilang kwentong mag-ina sa pagsuong nila sa pagsubok na dala ng kakaibang karamdaman ng anak niyang si Kaith.

Kahanga-hanga ang pinakikitang katapangan ng bata kaya wala raw dahilan ang ina na panghinaan ng loob at mas lalo pa siyang nagpapakatatag para sa tuluyang paggaling ng anak.

Malaki ang pasasalamat ni Janice sa pamilya niyang hindi rin sila iniwan sa labang ito. Katunayan, ang kanyang mga kapatid ay may kanya-kanyang tulong na iniaabot sa kanilang mag ina.

Lalong-lalo na rin sa kanyang ina na hinding-hindi sila pinabayaan. Ito rin ang naging inspirasyon niya sa pagiging mabuting nanay kay Kaith.

Hindi pa man nila masabi na nananalo na sila sa labang ito, ngunit positibo ang mag-ina na darating din ang araw na magiging normal na ang lahat para kay Kaith at masasabi nilang cancer survivor na ang matapang na batang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwentong binahagi sa KAMI:

"Ako po ay isang solo parent since i got pregnant kay Kaith. Si Kaith po ay 2nd child ko.

Ang kuya po niya ay 12 yrs.old nasa Quezon po with my sisters and nanay.

Nakatapos na po si Kaith ng chemotherapy noon. Na-diagnose po siya na may Acute Lymphoblastic Leukemia noong sept.2016.

Magaling po si God, ang doctor ni Kaith na si Dra. Mayie Salvador & the whole Clinic Team. Natapos po namin ang chemo last March 2019. Cancer-free na po siya, pero up to 5 yrs pa po ang kailangan hintayin na infection free siya para masabing cancer survivor na po.

Nakakalungkot lang po na after a year, heto na naman po at panibagong laban na naman ang kinakaharap namin ni Kaith..

Ngayon naman po bumalik po ang dati niyang sakit na cancer, which is much stronger than the first diagnosis at ito ngayon ay Acute Lymphoblastic Leukemia-Bone Marrow relapse.

Sobrang pasasalamat ko po sa Diyos na binigyan ako ng ganitong pamilya. Sila po ang no.1 support system ko, Si nanay po at mga anak ko ang backbone ko. At sa maraming tao na nagpapatatag sa akin sa araw araw!

Mas nadoble po ang sakit sa dibdib ko ngayong 2nd diagnosis ni Baby Kaith. Hindi po dahil sa mahihirapan ako, kundi dahil sa mga mararanasan na naman niya ang mga sakit ng chemo, ng mga karayom, ang paginom ng mga gamot, and to think na hindi parin niya mararanasan ang normal n buhay tulad ng ibang batang walang karamdaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagchechemo po si kaith from 11 am po sa cinic na kami, hanggang sa gabihin na po, hanggang matapos ang chemo at minsan po mas ginagabi pa kapag may salin ng red blood at platelets.

Noon pong una namin chemo, tulungan po talaga kaming magkakapatid.

Ang kuya Bernie po namin at Si Josephine ang sa foods transpo allowance, si ate Jessica po sa b.house rent, si ate Joy po nag asikaso sa panganay ko na nasa gumaca, si Nanay po ang halos nagtustos sa chemo therapy ni kaith. I was also raised by one of the strongest Mom i know, Si Nanay Doris po.

Pag po may chance, nabyahe po ako sa mga government agencies, like PCSO, DSWD, DOH, SENATE, Capitol, municipal Hall.

Isa rin po sa naging kaagapay namin sa chemotherapy ay ang Cancer Warriors Foundation inc.

Nagtyatyaga po akong pumila, matulog sa karton sa labas ng opisina ng pcso, para lang kinabukasan pag open ng pcso ay mapabilang ako sa first 30 clients nila, gutom at pagod, kahit magkanda ligaw ligaw sa maynila, mahanap lang ang ahensiya na maaring makatulong sa gamutan ng aking anak.

Gutom, pagod, puyat, sakit ng katawan, balewala po sakin lahat yun basta iniisip ko lang palage para sa mga anak ko, para kay Kaith lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang dalawang anak ko po strength & at the same time, weakness ko. malaki rin ang pasasalamat ko sa pang-unawa ng panganay kong anak. Alam ko pong malaking adjustment and sacrifices rin po sa part niya ang mga nangyayari sa aming mag-iina.

Times like this po, iiyak ako to the max, then habang nagdadasal iyak parin, pagtapos ko po makapag-emote, saka po lumiliwanag isip ko, that's when my mind can think clearly, about better/best ways on how to face our tomorrow.

We are only looking for blood donors, At di po namin akalaing dadami ang magmamahal sa aking mga anak, lalo na po kay Kaith."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica