Mag-iinang pinalayas sa tirahan, isang linggo na sa bangketa at walang ibang matuluyan

Mag-iinang pinalayas sa tirahan, isang linggo na sa bangketa at walang ibang matuluyan

- Viral ang larawan ng mag-iinang nananatili na lamang sa bangketa matapos na palayasin sa kanilang tinitirhan

- Wala na umanong pambayad ang ina sa nirerentahang bahay kaya raw sila pinaalis ng may-ari

- Labis na mapanganib sa mag-iina ang kanilang sitwasyon lalo na ngayong nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan

- Hangad ng mga netizens na makarating sa kinauukulan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mag-iina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakakadurog ng pusong kalagayan ng mag-iinang nananatili lamang sa bangketa.

Nalaman ng KAMI na napalayas ang mga ito dahil hindi na umano makabayad ng renta ang ina sa tinitirhang bahay.

Ang masaklap, kahit panahon ng krisis at pandemya, nagawa di umano ng may-ari ng bahay na palayasin ang kaawa-awang mag-iina.

Base sa binahaging post ng Balitang SJDM, wala nang ibang mapuntahan ang mag-iina kaya naman sa bangketa na lamang sila namamalagi.

Wala na ring makain ang mga ito kaya naman umaasa na lamang sila sa tulong na iniaabot ng mga taong dumaraan at nakakakita sa kanilang kalagayan.

Iniwan pa umano sila ng padre-de-pamilya kaya naman dagdag pa ito sa pasakit sa kanilang sitwasyon.

Sadyang kalunos-lunos ang lagay ng mga ito lalo na at maliit pa itong anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mahirap ang lagay nila lalo na at nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan na labis na delikado para sa kanilang kalusugan kung wala silang masisilungan.

Walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang makarating sa kinauukulan ang kahabag-habag na kalagayan ng mag-iina upang sila ay matulungan.

Lalo na at hindi pa tapos ang laban natin sa COVID-19, mapanganib ang manatili sa kalsada.

Maaalala rin na makailang beses na pinaaalala ni Pangulong Duterte na hindi dapat pilitin ng mga may-ari ng paupahan na magbayad ang mga nagrerenta sa panahong nakataas pa ang community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ito ay sa kadahilanang marami ang natigil sa kani-kanilang trabaho at wala silang mapapagkunan ng gastusin sa araw-araw.

Sana'y may magmagandang loob na tumulong sa mag-iina lalo na at mag-iisang linggo na sila sa bangketa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel