Emosyonal na tagpo ng delivery rider at kanyang "anak", umantig sa puso ng netizens

Emosyonal na tagpo ng delivery rider at kanyang "anak", umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng ng isang delivery rider sa Tagum City habang nagpapaalam sa anak ng kanyang partner

- Hindi man niya ito tunay na anak, ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya rito at masasabing itinuring na niya itong tunay na anak

- Tila ayaw paalisin ng bata ang kanyang stepfather ngunit kinakailangan nitong magtrabaho para sa kanilang pangaraw-araw na gastusin

- Masasabing isa sa ng mga delivery riders sa frontliners sa laban natin kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang emosyonal na tagpo ng isang delivery rider at ng anak ng kanyang partner.

Nalaman ng KAMI na bagaman at hindi ito tunay na anak ng rider, ganoon na lamang ang pagmamalasakit at pagmamahal niya sa bata.

Base sa ulat ng Philippine Star, kuha ito noong Mayo 23 sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa ina ng bata na si Kiana Castillo, paalis na raw ang kanyang partner na humabol ang kanyang anak at biglang naglambing.

Nasa trabaho raw noon si Kiana nang may nakakuha ng nakakaantig na eksenang ito.

"Hindi niya po baby ang anak ko pero tinuring niya pong anak at tinulungan niya po akong buhayin ang munti naming pamilya nang walang tanong at panghuhusga sa aming nakaraan,” pahayag ni Kiana.

Tatlong buwan nang delivery rider ang partner ni Kiana nakanyang katuwang sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Orihinal na binahagi ng uploader na si Jezza Vasques upang ipakita sa publiko na ang mga delivery riders ay may mga pamilya ring binubuhay.

Nakalulungkot daw kasing isipin na sa kabila ng kinahaharap na krisis ng bansa, may mga taong nagagawa pa ring manloko sa mga riders sa pamamagitan ng mga 'prank' orders.

Malaking kawalan ito sa mga tulad nilang nagtatrabaho ng marangal upang may maipakain sa kanilang pamilya.

Maituturing din na mga frontliners sa laban natin kontra COVID-19 ang mga delivery riders na ito.

Sila ang sumusuong sa labas upang maibigay ng maayos ang ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain habang tayo ay nasa ating mga tahanan lamang.

Nakakasalamuha sila ng iba't ibang tao sa labas na tila isinusugal na rin ang kanilang buhay sa kumakalat na virus kaya naman nararapat na bigyan natin ng respeto ang kanilang ginagawa at ikinabubuhay.

“Masakit po para sa akin nakita ko ganitong scenario. ‘Yung sakripisyo ng mga frontliners natin iwanan ang pamilya para mapagsilbihan both customers and families,” dagdag pa ni Vasquez.

Magina ang mga netizens ay naantig sa larawan ng rider at ng kanyang "anak at nanawagang huwag na sanang magawa ng iba na manloko ng delivery riders.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This is touching but at the same time it's heartbreaking my biggest salute to all frontliners"
"Hirap pag umaalis bahay. Halik at yakap muna sa anak. Kasi hindi mo alam mangyayari sayo sa labas."
"It breaks my heart, the reality of how hard our situation was taking all the risk ,just to provide them food"
"Dapat ganitong tao ang binigbigyan pansin ng gobyerno..para finacial na ayuda !!dahil malaking tulong po sa knyang pamilya.ang makukuha ya na support finacial sa govermnt para sa pamilya..kya sir proud po ako sau kahit hnd kita kilala for being frontliner to do ur job fr ur family salute po"
"Thank you for your service. Keep safe and stay healthy always."
"Sana wala nang mga bogus buyers, tingnan niyo yung picture na yan, tapos magagawa niyo pa silang lokohin... may pamilya rin silang pinakakain"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel