Ayon sa Presidente: Metro Manila, sasailalim na sa GCQ simula Hunyo 1

Ayon sa Presidente: Metro Manila, sasailalim na sa GCQ simula Hunyo 1

- Inanunsyo na ni Pangulong Duterte na sasailalim na sa general community quarantine ang Metro Manila simula sa Lunes, Hunyo 1

- Gayundin ang Region 2, 3, 4A, Pangasinan, Albay at Davao City

- Ang ibang bahagi ng bansa ay manantiling nasa modified GCQ o nalalapit na sa sinasabing "new normal"

- Ksalukuyan nang may 15,588 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at ngayong araw lamang, 539 na bagong kaso ang nadagdag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sasailalim na sa general community quarantine o GCQ ang Metro Manila simula Lunes, Hunyo 1 matapos ang nasa mahigit dalawang buwan nitong pananatili sa enhanced/modified enhanced community quarantine.

Inanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawa niyang press briefing ngayong gabi ng Mayo 28.

Bukod sa Metro Manila, sasailalim din sa GCQ ang Region 2, 3, 4A, Pangasinan, Albay at Davao City.

Ang ibang bahagi naman ng bansa ay magiging modified GCQ na o ang nalalapit sa sinasabing "new normal."

"We are not happy to put you in this place but after [the] review, maybe we can," pahayag ng Pangulo.

Halos lahat ng hanapbuhay ay magbubukas sa pagsisimula ng GCQ maliban sa leisure and amusement services tulad ng mga sinehan, gyms, fitness studios at operasyon ng travel agencies.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings tulad ng concerts, sports events at mga non-essential activities bilang pag-iingat pa rin sa paglaganap ng COVID-19.

Maging ang mga gawain at pagtitipong pang-relihiyon ay lilimitahan at papahinulutan lamang kung nasa 10 katao pababa lamang ang dadalo.

Papayagan na rin ang mga tinatawag na non-contact sports at iba pang pag-eehersisyo tulad ng walking, jogging, running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboarding basta sisiguraduhing may social distancing pa rin, walang hiraman ng gamit, at magsuot pa rin ng face masks.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Mayo 16 naman nang inanunsyo rin ng Pangulo na naka-modified enhanced community quarantine na ang NCR hanggang Mayo 31.

Kasalukuyan nang may 15,588 na kumpirmadong COVID-19 cases ang bansa at ngayon araw lamang, 539 ang nadagdag na bagong kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel