Security guard na matiyagang nagtuturo sa batang lansangan, umani ng papuri

Security guard na matiyagang nagtuturo sa batang lansangan, umani ng papuri

- Viral ang larawan ng isang security guard na nagagawang magturo ng mga batang lansangan

- Ayon sa netizen na kumuha ng larawan, hindi lang isang bata ang tinuturuan nito minsan ay nasa lima pa

- Tinuturuan ng sekyu ang mga bata na magsulat at magbasa habang nagbabantay ito ng pawnshop kung saan siya nagtatrabaho

- Humanga rin ang mga netizens sa kanya dahil hindi man pagkain o pera ang naibibigay nito sa mga bata, naibabahagi naman nito ang kanyang oras at kaalaman sa mga paslit na nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang security guard na matiyagang nagtuturo sa isang batang lansangan.

Ayon sa Philippine Star, binahagi ito ng netizen na si John Robert Flores na siyang kumuha ng larawan.

Nalaman ng KAMI na hindi lamang pala isa ang tinuturuan ng sekyu dahil nasa limang bata raw ang natuturuan nito.

Gamit ang papel at ballpen, pinagbabasa niya at pinagsusulat ang paslit habang siya ay bantay sa pawnshop.

“Meron siyang busilak at mabuting puso para sa mga batang nangangailangan ng tulong. I salute you kuya sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord,” pahayag pa ni Flores.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panahon ngayon na tila malaking tanong pa sa mga magulang ang muling pagpasok ng kanilang mga anak sa paaralan, mas lalong walang kasiguraduhan ang edukasyon sa mga batang lansangan na tulad ng tinutulungan ng sekyu.

Malaking bagay na nabibigyan niya ito ng oras at kaalaman na hindi maibigay ng ibang tao sa mga batang ito.

Dahil dito, umani ng papuri ang sekyu mula sa mga netizens na ang hangad din ay biyaya para sa mabuting puso ng security guard.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This is the Palawan branch where I make my monthly transactions ever since the quarantine started. Super Duper bait ni Kuya, I swear, they follow prper social distancing!!! He made marks on the floor and chairs on where people should stand/sit. This is just past Cartimar"
"One time nagpabili siya ng bottled water kasi di siya pwede mag leave ng post, binilhan niya din yung bumili."
"Bihira ang ganitong tao, yung handang magbigay ng kung ano ang kaya niya lalo na sa mga batang tulad nito"
" I wish he will be given a chance to go back to school and take education (whatever he likes neways). I bet Kuya Guard would become a great and dedicated educator. My heart is full seeing this"
"I salute on you, its not only money we can lend, but sharing time, efforts and knowledge to our fellow is a great help too. Mabuhay"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel