OFW sa Kuwait na may sintomas ng COVID-19, natagpuang walang buhay

OFW sa Kuwait na may sintomas ng COVID-19, natagpuang walang buhay

- Isang OFW sa Kuwait ang natagpuang wala nang buhay mula sa pagtalon nito sa ikawalong palapag ng tinitirhan sa Farwaniya, Kuwait

- Sinsabing may sintomas umano ito ng COVID-19 na siyang naging dahilan ng pagkaaburido nito at labis na kalungkutan

- Pinaniniwalaang nahawa ito sa tinulungan niyang kapwa OFW na madala sa ospital na kalaunan ay lumabas na positibo sa COVID-19

- Bukod dito, ilang buwan na rin umanong walang trabaho ang OFW dala ng pandemya kaya labis itong namroblema at wala na itong kinikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nakidalamhati at nalungkot sa pagkamatay ng Overseas Flipino Worker na si Elmer Chen Biag na nagawang tumalon mula sa tinitirhan niya sa Farwaniya, Kuwait.

Nalaman ng KAMI na kinakitaan umano ng sintomas si Elmer ng COVID-19 ilang araw matapos na dalhin nito ang isang kapwa niya OFW sa ospital.

Kalaunan, nagpositibo sa naturang virus ang tinulungan ni Elmer.

Sampung taon nang food company crew si Elmer ngunit dala ng pandemya, ilang buwan din itong natigil sa trabaho at walang kinikita.

Ayon sa Kwentong OFW, depresyon ang sinasabing rason kung bakit nagawa ng OFW na kitilin ang sariling buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa posibilidad na mayroon siyang COVID-19, dala-dala rin niya ang problema sa trabaho at dagdag pa rito ang layo niya sa kanyang pamilya.

Base sa ulat ni Bombo International Correspondent Oliver Diong, iniisip din ni Elmer ang kalagayan ng kanyang mag-iina sa Pilipinas.

Hanggang ngayon, wala pa umanong resulta sa isinagawang test kay Elmer kung ito nga ba ay positibo sa COVID-19.

Marami ang nagdarasal na sana'y wala itong COVID-19 upang kahit na paano ay makita pa siya ng kanyang pamilya.

Sadyang ikinagulat ng marami nilang kasamahang Pilipino sa Kuwait ang kinahinatnan ng buhay ni Elmer dahil aktibo umano ito sa mga programa ng mga Pinoy doon at isa rin ito sa masasabi nilang mabuting kababayang handang tumulong kaninoman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling post ni Elmer sa kanyang social media, nagpahayag siya ng pangamba kung paano "makaka-survive" sa kinahaharap na pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel