Nag-viral na OFW sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19, tutulungan na ni Raffy Tulfo

Nag-viral na OFW sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19, tutulungan na ni Raffy Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan ng OFW sa Riyadh na nagpositibo sa COVID-19

- Maaalalang siya ang OFW na lakas loob na isiniwalat ang kanyang kalagayan sa pamamagitan ng isang emosyonal na video

- Pangamba niya, hindi na siya makakauwi pa sa Pilipinas nang buhay lalo pa at wala raw siyang natatanggap na atensyong medikal sa Riyadh

- Sa pamamagitan ni Raffy Tulfo, nakipag-ugnayan ito sa Administrator ng OWWA upang maaksyunan ang kalagayan ng OFW at matulungan na rin ang kanyang pamilya na naririto sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang pamilya ng OFW na si Celedonio "Joey" Buendia Jr. upang humingi ng tulong tungkol sa kanyang kalagayan.

Matatandaang si "Joey" ang Overseas Filipino Worker sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19 at lakas loob na binahagi ang kanyang sitwasyon sa pamamagitan ng isang emosyonal na video.

Dahil sa nag-viral ang kanyang video, bahagyang naaksyunan ang kanyang kalagayan at sa tulong na rin ng ilan nating kababayang nasa Riyadh, natingnan na rin siya ng isang nurse.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa programa ni Tulfo, nilahad ni "Joey" ang sinasabing kapabayaan sa kanya ng kanyang employer at walang anumang tulong na dumating para sa kanya mula sa ating embahada.

Mayroon din daw na tumawag sa kanya na mula sa OWWA at kinuha ang kanyang detalye ngunit ang pinaka pakay daw nito ay upang ipabura ang viral video niya.

Dahil dito, namagitan na si Tulfo upang makipag-ugnayan sa OWWA at alamin ang maaring gawin sa sitwasyon ngayon ni Joey sa Riyadh.

Agad namang tumugon ang isa sa Administrator ng OWWA na si Atty. Hans Leo Cacdac at sinabing uunahin nila ang pagbibigay ng medikal na atensyon kay Joey.

At dahil mayroon siyang COVID-19, maari ring mabigyan ng ahensya ng tulong pinansyal ang pamilya ni Joey na nasa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, bumubuti na ang lagay ng OFW ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya na baka hindi na siya makauwi ng Pilipinas ng buhay pa.

Malaki ang pasasalamat niya sa programa ni Tulfo na siyang gumawa ng paraan upang siya ay matulungan lalo na at mag-isa lamang siya sa kanyang laban kontra COVID-19.

Tila may kapanatagan na ng loob si Joey mula nang makausap si Tulfo at malayong-malayo ito sa kanyang itsura sa naunang naibalita ng KAMI tungkol sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel