Kumpirmadong kaso ng COVID-19, mahigit 500 ang naitala sa loob lang ng isang araw

Kumpirmadong kaso ng COVID-19, mahigit 500 ang naitala sa loob lang ng isang araw

- Mahigit 500 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Mayo 28

- 61% nito ay mula pa rin sa National Capital Region na siyang may pinakamataas ng bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19

- 10% o 55 sa mga ito ay mula sa mga repatriates na dumating sa ating bansa

- Inaasahang magpapahayag na ng desisyon si Pangulong Duterte ukol sa magiging lagay ng mga lugar na naka-quarantine pa rin pagpatak ng June 1

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit 500 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Base sa inilabas na datos ng Department of Health ngayong 4p.m. ng Mayo 28, 539 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

61% o 330 nito ay mula pa rin sa National Capital Region na naka-modified enhanced community quarantine hanggang mayo 31.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

10% o 55 naman ng nasabing bilang ay mula pa rin sa Region 7 o Central Visayas. Gayundin ang mga repatriates na dumating sa bansa kung saan 10% o 55 din sa kanila ang lumabas na positibo sa COVID-19.

Ang natitirang 19% ay mula sa iba pang bahagi ng bansa.

92 naman ang naitalang naka-recover ngayong araw at 17 naman ang bilang ng mga pumanaw.

Sa kabuuan, 15, 588 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, inaasahang magbibigay na ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi sa kung ano ang kahihinatnan ng mga lugar na nasa ilalim pa rin ng community quarantine pagpatak ng Hunyo 1. Inanunsyo ito ng Presidential Spokesman Harry Roque.

Enero 31 nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Kasalukuyan pa namang naka-modified enhanced community quarantine ang National Capital Region hanggang Mayo 31.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel