Pagmamakaawa ng 1 pamilya sa 1 ospital para sa buhay ng sanggol, viral

Pagmamakaawa ng 1 pamilya sa 1 ospital para sa buhay ng sanggol, viral

- Viral ngayon sa social media ang video kung saan mapapanood ang pagmamakaawa ng isang pamilya sa isang ospital para sa buhay ng kanilang sanggol

- Ayon sa uploader, pinaghinalaan umano ng ospital na mayroong COVID-19 ang sanggol nang kanila itong isugod sa ospital

- Sa kasamaang-palad ay nasawi ang sanggol na noon ay nag-aagaw-buhay na

- Wala pang naibalitang pahayag ang naturang ospital hanggang sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na kumalat sa social media ang video kung saan mapapanood ang pagmamakaawa ng isang pamilya sa isang ospital para sa buhay ng kanilang sanggol.

Ayon sa uploader ng video na si Lyndife Anciro, pinaghinalaan diumano ng ospital na ito sa Parañaque na mayroong COVID-19 ang sanggol bagamat hindi pa nila ito tinitignan man lang.

Sa video maririnig ang pagtangis ng mag-anak sa labas ng nasabing ospital habang hawak ng isa sa kanila ang sanggol.

"Di sila inasikaso o pinapasok manlang sa loob dahil dipa nga nila na checheckup ung baby may Covid n daw wala pong covid ung baby,, tumirik ang mata..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Buhay p nakamulat p dw at nahinga.. Kaso habang nagmamakaawa sila dun s ospital n yn dina kinaya ng baby namatay n ang baby ng tuluyan..Ang tagal din dw nila dyan nagmakaawa wla pumansin," ayon sa post ng uploader.

Sa kasamaang-palad ay pumanaw rin ang sanggol.

Wala pang naibalitang pahayag ang naturang ospital hanggang sa kasalukuyan.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Dati nang kinundena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggi ng ilang ospital sa mga pasyente matapos mapabalita ang ilang insidente katulad ng nangyari sa sanggol.

Nagbanta pa ang pangulo na mapaparusahan ang sinumang tumanggi sa mga pasyente.

Nais pong ipabatid ng KAMI na bukas po kami sa panig ng inaakusahang ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel