Brazil, nagsagawa ng mass burial para sa mga nasawi dahil sa COVID-19

Brazil, nagsagawa ng mass burial para sa mga nasawi dahil sa COVID-19

- Nagsagawa ng mass burial ang bansang Brazil para sa mga nasawi dahil sa COVID-19

- Tinatayang nasa 24,593 ang naitalang pumanaw dahil sa bagsik ng virus

- Apat na magkakasunod na araw nang nasa 1,000 ang inaabot na bilang ng mga namamatay sa loob lamang ng 24 oras

- Ang Brazil na rin ang bagong episentro ng pandemya dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso roon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napuno ang Parque Taruma cemetery ng Brazil dahil sa isinagawang mass burial para sa mga nasawi dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang nasa 24,593 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa naturang bansa dahil sa bagsik ng coronavirus disease 2019.

Ayon pa sa GMA News, ang Brazil na ang bagong episentro ng pandemya kung saan umabot na sa 394,507 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID doon.

Dahil dito, pumangalawa na sila sa USA na may kabuuang bilang na 1,730,096 ayon saworldometers.

Ayon pa sa mga eksperto, malaki raw ang posibilidad na higit pa sa 394,507 dahil nakararanas sila ng under-testing.

Base sa Agence France-Presse, tila isinantabi ng bansa ang precautionary measures kaugnay sa pagkalat ng epidemya dahil taliwas sa ginagawa ng karamihang bansa, hindi sila nagdeklara ng quarantine para sa kanilang mamamayan.

Ito ang isa sa nakikita nilang dahilan bakit biglang bulusok ang numero ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang bansa.

Disyembre nang nakaraang taon unang umusbong ang pagkalat ng nooy tinatawag na novel coronavirus sa Wuhan, China.

Mabilis na kumalat ang naturang virus na kalauana'y tinawag nang COVID-19.

Sa Pilipinas, umabot na sa 15,049 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 base sa Department of Health.

Kasalukuyan pa ring naka-community quarantine ang karamihang bahagi ng bansa bilang pag-iingat pa rin lalo na at tinatayang nasa 200-300 ang patuloy na nadaragdag sa araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel