Viral na pulis na nagbigay ng $100 sa isang rider, siya namang nakatanggap ng ₱100,000

Viral na pulis na nagbigay ng $100 sa isang rider, siya namang nakatanggap ng ₱100,000

- Marami ang humanga sa isang pulis na nagbabantay sa quarantine checkpoint nang bigyan nito ng $100 ang isang delivery rider

- Working student umano ang delivery rider kaya di nagdalawang isip ang pulis na bigyan ito ng tulong

- Isang anonymous sender ang nagpadala ng perang nagkakahalaga ng ₱100,000 dahil natuwa umano ito sa ginawa ng pulis sa rider

- Abot-abot naman ang saya ng pulis dahil manganganak pala ang kanyang misis at hindi na sila mamomroblema sa gastusin para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng good samaritan cop na si Corporal Jonjon Nacino kung saan imbis na tiketan niya ang isang delivery rider ay binigyan pa niya ito ng $100.

Dahil dito hindi lamang papuri ang natamo ni Nacino dahil isang anonymous sender ang nagpadala sa kanya ng ₱100,000.

Nalaman ng KAMI na bantay sa quarantine checkpoint si Nacino nang ipatawag siya ng kanyang hepe.

Kabadong pumunta si Nacino sa kanilang himpilan lalo na ng sabihin ng hepe na may nagreklamo sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang halos di na makaimik ang batang pulis, doon inabot ni Police Major Ronaldo Santiago ang brown envelope na naglalaman pala ng surpresa kay Nacino.

Maluha-luha ito nang makitang ₱100,000 pala ang laman ng sobre. laking pasalamat niya sa taong nagbigay bagaman at ayaw nitong magpakilala.

Sadyang nangangailangan siya ng pera para sa panganganak ng kanyang misis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mas lalo siyang hinangaan ng kanyang mga kasama dahil nagawa pa niyang bigyan ng tulong ang rider, gayung siya pala mismo at may pinaghahandaan din.

Nang makapanayam ng 24 oras si Nacino, sinabi niyang nakakataba ng puso ang mga positibong komento na kanyang natanggap mula sa mga netizens. Hindi rin daw niya akalain na masusuklian ang ginawa niyang kabutihin nang higit pa sa kanyang naibigay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel