Lockdown: Jeepney driver, nakakapag-uwi lang ng P100 sa pamilya

Lockdown: Jeepney driver, nakakapag-uwi lang ng P100 sa pamilya

- Swerte na raw kung makapag-uwi ng P100 sa pamilya ang jeepney driver na si Mang Angelo

- Ito ay dahil pa rin sa umiiral na enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19

- Bukod kasi sa iuuwi ni Mang Angelo, problema pa rin niya ang boundary sa ipinapasadang jeep

- Isa lamang ito sa libo-libong mga Pilipino na problema ang ipangbubuhay sa pamilya ngayong may kinakaharap na krisis ang buong bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng maghapong pag-biyahe ng jeepney driver na si Mang Angelo, barya lamang ang kanyang maiuuwi sa pamilya.

Sa report ng GMA News (Reporter, Bernadette Reyes), bukod sa iilan lamang ang naisasakay na pasahero sa kanilang lugar sa Imus, Cavite dahil na rin sa ipinapatupad ng physical distancing, hindi rin daw ito makapunta sa Bacoor dahil nasa MECQ pa ang lungsod.

Ito ay dulot pa rin ng pag-iingat ng gobyerno kontra sa nakamamatay na novel coronavirus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Swerte pa nga raw kung makapag-uwi si Mang Angelo ng P100 sa kanyang pamilya.

Bukod kasi rito ay problema rin nito ang boundary para sa ipinapasada nitong jeep.

Kamakailan lamang ay nagtaas ng presyo ang ilang produktong krudo sa bansa na isa pang kinakaharap ng mga katulad ni Mang Angelo.

Isa lamang ang istoryang ito sa libo-libong mga Pilipino na problema ang ipangbubuhay sa pamilya ngayong nahaharap ang marami sa hirap dahil sa krisis na dinaranas ng Pilipinas at maging ng buong mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang ginang ang napilitang buksan ang kanilang alkansya upang may maipangtawid ngayong may pandemic sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel