Misis, napilitan buksan ang alkansya para may magamit ngayong lockdown

Misis, napilitan buksan ang alkansya para may magamit ngayong lockdown

- Napilitan nang buksan ng isang ginang ang kanilang alkansiya upang may maipantawid ngayong mayroong pandemic sa bansa

- Umabot sa P12,000 ang naipon nito at ng isa nitong anak simula raw noong January

- Dahil walang natanggap na ayuda, wala na raw silang pagpipilian kung hindi ang gamitin ito

- Ayon sa ginang, malaking tulong ito sa kanilang pamilya lalo na at tatlong beses kada linggo na lamang siya nakakapasok sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tulad ng marami, naging problema rin ng isang ginang mula sa Biñan, Laguna ang kanilang pang-araw-araw na gastos dahil sa kinakaharap na krisis ng mga Pilipino dahil sa COVID-19.

Sa isang Facebook post ng Philippine Star, sinabi ng misis na si Marian Guiang na napilitan nang gamitin nito at ng kaniyang 11-taong-gulang na anak ang kanilang inipon mula noong January sa kanilang alkansya.

"Wala kami nakuhang ayuda alin man sa mga gov’t assistance ngayong COVID-19 [pandemic] bukod sa relief goods ng LGU," anito.

Ayon kay Guiang umabot sa P12,000 ang kanilang naipong pera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa nito, magkatulong silang mag-ina sa pag-iipon nito. Naglalaan daw siya ng P100-P500 kada sweldo para rito habang ang anak naman ay inihuhulog dito ang mga natitira nitong baon sa eskwelahan.

"Lahat ng napamaskuhan niya inilagay niya diyan at sobrang baon araw-araw simula January hanggang second week of March… At every payroll, nagtatabi din kami ng P100-500," sabi pa nito.

Malaki raw itong tulong para sa kanilang pamilya lalo na ngayong tatlong beses kada linggo na lamang siya nakakapasok sa trabaho dahil pa rin sa banta ng virus.

Iginiit din nito ang kahalagahan ng pag-iipon lalo na sa mga panahong nakararanas ang marami ng krisis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nagbabala naman ang WHO sa mga Pinoy dahil sa patuloy na pagkakaroon malaking bilang ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng tatlong buwang lockdown.

Ngayong araw, May 27, nakapagtala muli ng 380 panibagong kaso ng virus sa bansa at umabot na sa 15,049 ang kabuuang bilang ng positibong kaso sa Pilipinas.

Nakapagtala naman ng 94 recoveries at may kabuuang bilang na 3,506 ang Department of Health, habang umabot na sa 904 ang nasawi dahil sa sakit.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel