Viral fish vendor na hinuli dahil walang quarantine pass, inulan ng tulong

Viral fish vendor na hinuli dahil walang quarantine pass, inulan ng tulong

- Nakatanggap ng maraming tulong ang nag-viral na fish vendor na na-detain ng 11 araw sa Navotas

- Matatandaang walang quarantine pass si Mang Dodong Jimeda kaya naman nahuli siya sa Navotas fish port kung saan siya kumukuha ng panindang isda

- At dahil marami ang naantig sa kanyang kinahinatnan, marami ang nagmalasakit na tumulong sa kanya

- Bukod sa relief goods, may nagbigay sa kanya ng cellphone at perang ayuda

- Maging ang Kapamilya Star na si Coco Martin ay nagbigay sa kanya ng sidecar na magagamit niya sa pagkuha ng panindang isda mula sa Navotas Fish Port

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inulan ng tulong ang nag-viral na fish vendor na si Mang Dodong Jimeda na na-detain ng 11 araw sa Navotas Sports Complex dahil umano sa wala siyang quarantine pass.

Nalaman ng KAMI na nakabalik na ito sa pagtitinda niya ng isda mula nang siya ay makauwi na noong Mayo 18.

Base sa ABS-CBN News, marami ang naantig sa pinagdaanan ni Mang Dodong kaya naman at nagpadala sila ng tulong para rito.

Bukod sa mga relief goods na kanyang natanggap, may isang di nagpakilalang mambabatas ang nagbigay sa kanya ng cellphone at ayudang pinansyal.

Maging ang Kapamilya actor na si Coco Martin ay nagpadala ng sidecar kay Mang Dodong upang hindi na raw ito mahirapan sa pagkuha ng isda mula sa kanilang bahay sa Caloocan patungo sa Navotas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis labis ang kasiyahan ng pamilya ni Mang Dodong sa natanggap na mga biyaya mula sa mga taong nagmalasakit sa kanila.

Maalalang sa naunang ulat ng KAMI, talagang hindi makatulog si Patring Raval, ang misis ni Mang Dodong mula nang siya ay hindi na makauwi noong Mayo 7 mula sa Navotas.

Dahil hindi naman niya alam ang gagawin, naghihintay na lamang noon is Patring sa pagbabalik ni Mang Dodong hanggang sa nabalitaan niyang naka-ditene na nga ito sa Navotas.

Tinulungan si Patring ng Diocesan ng Caloocan na siyang nag-abot sa kanila ng pampiyansang nagkakahalaga ng ₱3,500 para maiuwi na si Mang Dodong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkaroon pa ng problema sa naitalang pangalan ni Mang Dodong kaya naman umabot ng 11 na araw bago siya tuluyang nakauwi.

Ngayon, nabigyan na rin siya ng quarantine at temporary travel pass upang makakuha siya ng kanyang paninda sa Navotas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel