Wag pakasiguro sa virus! WHO, nagbigay ng babala sa mga Pinoy

Wag pakasiguro sa virus! WHO, nagbigay ng babala sa mga Pinoy

- Nagbigay ng babala ang isang opisyal mula sa WHO Western Pacific sa mga Pilipino ukol sa 'di bumababang bilang ng infected ng COVID-19 sa bansa

- Ito ay sa kabila ng tatlong buwang lockdown sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng virus

- Ayon dito, mahalagang manatili pa rin sa bahay ang mga mamamayan at mas maging maingat laban sa virus

- Nito lamang Martes, May 26, nakapagtala pa ng 350 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung kaya naman umabot na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng positibo sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng babala ang World Health Organization sa mga Pilipino ukol sa 'di bumababang bilang ng infected ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay sa kabila ng tatlong buwang lockdown sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

"It’s very important to stay at home for the public to prevent further spread of infection. As we are seeing, the number of newly-reported cases in the Philippines is not rapidly decreasing even after the strict implementation of community quarantine," ayon kay Dr. Takeshi Nishijima, technical officer ng WHO Western Pacific.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nito lamang Martes, May 26, nakapagtala pa ng 350 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung kaya naman umabot na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng positibo sa sakit sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Nishijima, mainam din na maintindihan ng publiko ang posibilidad ng pagkakaroon ng mataas na bilang muli ng infected.

"In the Philippines, we are seeing the new number of cases, which is kind of stabilized a bit. We are hoping it will decrease in the future. I think we need to be prepared to continue what [we are doing] right now," sabi pa ng opisyal sa isang report ng PhilStar (Author, Gaea Katreena Cabico).

Hinikayat nito ang mga Pinoy na manatili sa bahay, panatilihin ang physical distancing, magkaroon ng cough etiquette at madalas na paghuhugas ng kamay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel