66-anyos na nurse, buong tapang na namuno sa contact tracing sa Caloocan

66-anyos na nurse, buong tapang na namuno sa contact tracing sa Caloocan

- Nanguna sa pagsasagawa ng contact tracing ang isang 66-anyos na nurse sa Caloocan

- Bagama't siya ay senior citizen na, di siya kinakitaan ng pag-aalinlangan sa kanyang pagsunson sa mga posibleng nahawahan ng COVID-19

- Aniya, nakararamdam din naman siya ng pangamba ngunit ipinagpa-sa Diyos niya na lamang ito

- Nakuha pa nga niyang magbiro at sinabing posibleng immune na siya sa virus dahil mula nang magkaroon ng lockdown sa lugar, siya pa mismo ang mga nagdadala sa ospital ng mga taong kumpirmadong may COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di alintana ng 66-anyos na nurse ang panganib na dala ng COVID-19 dahil nagawa pa niyang mamuno sa contact tracing sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Thelma Zuñiga na Chief Health officer ng Brgy. 28 sa Caloocan City.

"Kami po 'yung namamahala para sa mga COVID-19 patients, PUM, PUI, at saka po positive," pahayag ng senior citizen na nurse sa panayam sa kanya ni Mark Salazar ng 24 oras.

Kwento na ng nurse, mula nang sila ay malagay sa lockdown, siya na mismo ang nagdadala ng mga pasyenteng PUI o maging nagpositibo na COVID-19 patients sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakararamdam man ng takot, itinataas na lamang daw niya sa Diyos ang kanyang magiging kapalaran sa pagiging frontliner niya.

"Baka may immunity na ako, sir, kasi ako ang nag-dadala ng pasyente sa ospital kasama ko 'yung driver. Pareho kami senior," pagbibiro pa ni Nurse Thelma.

Kasalukuyang naka-extreme enhanced community quarantine ang Barangay 28 matapos na umabot sa 28 ang mga nagpositibo sa kanila.

Inaasahang nasa 1,000 ka-tao ang kanilang mati-trace upang masiguro ang kalusugan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa naitala ng Caloocan Caloocan City Public Affairs and Information Office, mula sa 10 confirmed COVID- 19 cases noong Mayo, mabilis itong tumaas at naging 28.

362 na ang kumpirmadong kaso ng COVID sa lungsod habang may mino-monitor silang 5,144 cases.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel