Nagkainitang mga tricycle driver, magkumpare pala kaya nagkaayos agad

Nagkainitang mga tricycle driver, magkumpare pala kaya nagkaayos agad

- Agaw eksena sa social media ang video ng dalawang tricycle drivers na nagkainitan sa kalsada

- Nauwi pa umano sa sakitan ang kanilang alitan kaya naman inawat na sila ng ilang traffic enforcers

- Nang malamang magkumpare pala sila, agad na nagkaayos ang dalawa sa presinto ng pulisya

- Hindi raw nila agad na nakilala ang isa't isa dahil sa suot nilang face mask

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang away kalye ng dalawang tricycle driver sa Laoag, Ilocos Norte.

Nalaman ng KAMI na nagkainitan umano ang dalawa dahil sa pila sa tricycle.

Binahagi ng GMA news ang video na kuha ng netizen na si Ian Lexus Vidad kung saan makikita kung paano nagkainitan ang dalawang tricycle drivers na hindi agad nalaman na sila'y magkumpare pala.

Nagkasakitan na ang dalawa kaya naman may namagitan na sa kanilang traffic enforcers upang umawat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mapapansin din kasing nasa gitna na ng kalsada ang dalawa kaya naman nakaaabala na ang mga ito dahil sa kanilang eksena.

Agad na dinala sa presinto ng pulisya ang dalawa. Doon napag-alaman nilang magkakilala sila at bukod pa rito, magkumpare pa sila.

Hindi lamang daw nila namukhaan ang isa't isa dahil sa suot nilang face mask at agad ding nagkaayos ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI nasa 200 na mga tricycle drivers ng Mandaluyong City ang lumabas na positibo sa COVID-19.

Sila ay mula sa 7,000 na mga tricycle driver na sumailalim sa rapid diagnostic testing na sisinagawa ng kanilang lungsod bilang isa sa mga requirements bago sila bumalik sa pamamasada.

Agad naman nai-isolate ang mga drivers na ito sa quarantine facility ng kanilang lungsod.

Mariing ipinaalala rin sa mga tricycle drivers ang mga safety protocols sa kanilang pamamasada tulad ng pagsusuot ng face mask at gloves.

Mamarapatin din ang paglalagay ng harang sa gitna ng pasahero at driver upang maisaalang-alang pa rin ang social distancing.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel