Mga tricycle driver ng Mandaluyong City na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 200

Mga tricycle driver ng Mandaluyong City na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 200

- Umabot na sa 200 ang bilang ng mga tricycle drivers na nagpositibo sa COVID-19

- Mula sa unang naitala na 50, mabilis na umakyat ito sa 200

- Nagsagawa ang Mandaluyong City ng Rapid testing sa mga tricycle drivers bilang isa sa mga requirement nila bago bumalik sa pamamasada

- Kinailangan kasing magkaroon sila ng sertipiko o katibayan na sila ay negatibo sa virus bago payagang mamasada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 200 ang bilang ng mga tricycle drivers ng Mandaluyong City na lumabas na positibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, ang bilang na ito ay mula sa 7,000 na mga tricycle drivers na sumailalim sa rapid diagnostic testing na nagsimula noong Mayo 22.

Nalaman ng KAMI na pawang mga asymptomatic ang mga driver na ito na naka-isolate na sa mga quarantine facilities ng lungsod.

Ang iba naman sa kanila ay naka-home quarantine habang hinihintay ang resulta ng confirmatory swab test.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isinagawa ang rapid testing na ito bilang isa sa kanilang requirements bago payagang mamasada muli.

Kinakailangan kasi nilang magpakita ng sertipiko bilang patunay na sila ay sumailalim sa nasabing test at kailangang negatibo sila sa COVID-19.

Sa naunang uat ng KAMI, 50 ang naunang kumpirmadong bilang ng mga tricycle driver sa lungsod na positibo sa COVID-19.

Ito ay mula sa naunang 3,000 na nagawan ng confirmatory swab test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala rin ng lungsod sa mga driver na ito na isa lamang ang maari nilang maging pasahero.

Mahigpit na ipinagbabawal na rin ang backride at nararapat na maglagay ng harang sa pagitan ng pasahero at ng driver.

Kinakailangang may suot silang mask at gloves bilang bahagi ng safety protocol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel