Mga gumagawa at nagbebenta ng pekeng IATF passes, inaresto ng mga pulis sa Maynila

Mga gumagawa at nagbebenta ng pekeng IATF passes, inaresto ng mga pulis sa Maynila

- Inaresto ng pulisya sa Maynila ang mga nahuling gumagawa at nagbebenta ng pekeng quarantine pass

- Pitong tao ang inaresto dahil sa paglabag ng batas at pagbenta ng pass na tanging ang Inter-Agency Task Force o IATF lang ang nagbibigay

- Bukod sa aresto, kinumpiska rin ang gamit ng mga ito tulad ng computer, printer, scanner, at iba

- Isang motorista rin ang nahuling gumagamit ng pekeng IATF ID at inaming nakuha niya ito sa Recto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Timbog ngayon ang mga nahuling gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng pass na tanging ang Inter-Agency Task Force o IATF lang ang nag-issue.

Nalaman ng KAMI na 7 na mga tao ang inaresto ng Manila Police District nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nahuli ang mga suspek sa isang entrapment operation sa Recto sa Maynila.

Sabi ni Police Lt. Col. John Guiagui, isang motorista ang nagtangkang makalusot gamit ang IATF pass niya. Subalit, hindi nag-match ito sa ID niya.

“I-minatch natin yung ID niya, hindi nagtutugma at aminado siya na ito ay gawang Recto,” aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base naman sa Facebook post ng Manila Public Information Office, bukod sa mga nahuling suspek ay kinumpiska rin ang kanilang mga computer, printer, scanner, laminating machine, ID cutter, at ang iba pang mga pekeng IATF ID.

Inaresto ang mga gumagawa ng pekeng pass dahil sa kanilang paglabag sa Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng mga pekeng dokumento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay nakasailalim sa modified enhanced community quarantine ang buong Metro Manila dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19. Kasalukuyang may 14, 319 na kumpirmadong kaso na nito ngayon sa buong Pilipinas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel