Single parent na OFW, naulila ang apat na anak dahil sa COVID-19

Single parent na OFW, naulila ang apat na anak dahil sa COVID-19

- Isang OFW Sa Ireland ang sumakabilang buhay na dahil sa COVID-19

- Naiwan nito ang apat niyang mga anak dahil single parent pala umano ito

- 41 na araw din itong nakipaglaban sa COVID-19 hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay

- Labis na mahirap ito para sa kanyang mga anak gayung pumanaw na rin ang kanilang ina noong 2013

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 55-anyos na Overseas Filipino Worker sa Ireland ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na 41 na araw ding nakipaglaban si Miguel Plangca sa bagsik ng virus na kalaunan ay kumitil sa kanyang buhay.

Siya ang ikalawang Pilipino na namatay dahil sa COVID-19 sa Ireland.

Ayon sa panganay na anak niyang si Mikee, pumanaw ang kanyang ama noong Mayo 13 sa edad na 55.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagawa pa raw nitong pumasok sa trabaho noong Marso 28 kahit kinakikitaan na ito ng sintomas.

Noong Abril 2, nahirapan na itong huminga kaya naman agad na silang tumawag ng ambulansya upang madala agad sa ospital.

Nabanggit din ni Mikee na may diabetes ang ama kaya naman unang tinamaan ng virus ang kidney nito bago ang kanyang lungs.

"Lumaban din talaga siya kahit papano. At the same time doctors were doing their very best na sakaling mag-respond siya sa medicines kasi alam din nila 'yung background ni Papa na single parent na lang siya and apat kaming nag hihintay sa kanya. But sad to say 'di talaga kinaya ng katawan nya," pahayag ni Mikee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doble raw ang kanilang nararamdamang sakit ngayong wala na ang ama dahil bumalik din ang alaala ng kanilang ina na pumanaw na rin noong 2013.

Aminado silang tila di pa nila lubusang matanggap na wala na ang ama.

"I never have imagined na mangyayari ulit kasi this time siya na lang 'yung nasa amin eh," ani Mikee.

Kasalukuyan sila ngayong nasa Ireland ngunit makikipag-ugnayan umano sila sa pamahalaan dahil nananatili pa rin silang dependents ng ama at hindi pa mga citizens.

Samantala, sa tulong ng GoFundMe page, nakalikom silang magkakapatid ng €280,974.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel