50 na tricycle driver sa Mandaluyong City, nagpositibo sa COVID-19

50 na tricycle driver sa Mandaluyong City, nagpositibo sa COVID-19

- 50 na tricycle driver ang lumabas na positibo sa COVID-19 sa Mandaluyong City

- Ito ay matapos na isagawa ang rapid testing sa lugar bilang requirement bago sila bumalik sa pagpapasada

- Nasa 3,000 tricycle drivers ng lungsod ang na-test noong Mayo 22 at kasalukuyan nang naka-isolate ang mga ito

- Paalala rin ng lungsod na sa pagbabalik operasyon ng mga tricycle, isa lamang ang maaring sakay at bawal ang backride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 50 na mga tricycle driver ang lumabas na positibo sa COVID-19 sa Mandaluyong City.

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na magsagawa ng rapid testing sa 3,000 na mga tricycle drivers sa lungsod.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, isa raw ito sa requirements bago payagang bumalik ang mga ito sa pamamasada.

Kinumpirma naman ito ni City Public Information officer and chief-of-staff of Mayor Carmelita Abalos na si Jimmy Isidro.

Matapos na mailabas ang resulta, siniguro nilang naka-isolate na agad ang mga ito upang maiwasan pa ang paglaganap ng virus lalo na sa kanilang mga pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Binahagi nila sa kanilang Facebook page na Mandaluyong City Public Information Office ang mga larawan ng isinagawang testing noong Mayo 22.

Inaprubahan na ng Lungsod ng Mandaluyong ang muling pagbabalik operasyon ng Toda matapos ang mahigit dalawang buwan na tigil pasada.

Pinaalalahanan din nila ang bagong mga patakaran ng pagsasakay ng pasahero kung saan isa lamang ang maaring maisakay sa loob at mahigpit na ipinagbabawal ang backride.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para sa mga driver, nararapat na magsuot sila ng face masks at gloves sa pagpasada.

Pinaglalagay din umano sila ng plastic na harang sa gitna ng driver at ng kanilang pasahero.

Napagkasunduan ding ₱20 ang magiging pamasahe sa kada isang biyahe.

Matatandaang Marso 16 nang magdeklara ng enhanced community quarantine ang pamahalaan bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 sa Luzon.

Mula noon ay tigil na ang pamamasada ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga jeep at tricycle.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel