Aktwal na pagdakip sa nakatakas na pasyenteng 'Probable' case ng COVID-19, sapul sa video

Aktwal na pagdakip sa nakatakas na pasyenteng 'Probable' case ng COVID-19, sapul sa video

- Nakuhanan ng video ang aktwal na pagdakip sa di umano'y isang pasyenteng 'probable' case ng COVID-19

- Nakatakas umano sa ospital ang lalaki ngunit hindi naman ito magawang tanggapin ng kanyang misis sa takot na mahawa ang mga anak sakaling makumpirma na ito nga ay may COVID-19

- Paliwanag ng lalaki, pinauwi naman na raw siya ng doktor at labis lamang daw niyang namimiss ang kanyang pamilya

- Maririnig pa umano sa video ang iyak ng kanyang pamilya ngunit walang magawa ang mga ito dahil maging sila ay kailangan ding mag-ingat upang hindi mahawahan ng nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena online ang emosyonal na pagdakip sa isang lalaking 'probable' case ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na sinasabing nakatakas lamang ang lalaki sa ospital kung saan isinagawa ang swab test sa kanya.

Ayon sa video ng Viral na po tayo, hindi raw pumayag ang misis nito na pauwiin ang mister.

Nag-aalala kasi ito sa kaligtasan ng kanilang mga anak na maaring mahawa sakaling makumpirmang may COVID-19 nga ito.

Makikita sa video na nakaupo na lamang sa isang kanto ang lalaki at mapapansing emosyonal na ito.

Di nagtagal, dumating na ang awtoridad na kukuha sa kanya upang maibalik sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dala marahil ng tindi ng kanyang emosyon at hindi na siya mapwersa pa, kusa na siyang dumapa bago siya maposasan.

Maririnig ang panaghoy ng kanyang pamilya na wala namang magawa dahil kinakailangan din silang mag-ingat.

Nang tanungin naman ang lalaki bakit nagawa niyang tumakas, sinabi niyang pinauwi raw siya ng kanyang doktor. Sinabi rin niyang namimiss na niya kasi ang kanyang pamilya.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang video. Patunay lamang daw ito kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng taong mayroong COVID-19 o sa kaso ng lalaki na naghihintay pa lamang ng resulta ng isinagawang test sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Abril 11, pinalitan na ng Department of Health ang tawag sa person under monitoring o PUM, patient under investigation o PUI at confirmed COVID-19 patient.

Ginawa na itong Suspect case, Probable case at Confirmed case at hanggang ngayon, ito ang ginagamit na mga termino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel