Wais! Misis, ginulat ang barberong mister sa naipong ₱217,000 mula sa mga tip

Wais! Misis, ginulat ang barberong mister sa naipong ₱217,000 mula sa mga tip

- Binahagi ng isang wais na misis kung paano niya nabuhay ang pamilya kahit nawalan ng trabaho ang mister ngayong panahon ng quarantine

- Laking gulat ng mister kung paano pa sila naisalba ng housewife gayung tigil muna ang kanyang trabaho bilang barbero noon pang Marso 15

- Namangha ang mister nang makita ang bugkos ng pera na naitago ng misis na mula pala sa mga tip na ibinibigay sa kanya

- Kaya naman kahit panahon ng krisis, hindi sila namumroblema dahil labis-labis sa pang araw-araw ang naisubing pera ng wais na misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang ang karamihang pamilyang Pilipino ay namumroblema dahil sa "no work, no pay" na sistema ngayong naka-quarantine pa rin ang Metro Manila at ilang mga lugar, isang pamilya ang tila hindi gaanong naapektuhan ng krisis na nagaganap ngayon.

Nalaman ng KAMI na barbero ang trabaho ng mister ngunit ng mga may kaya at propesyunal na tao kaya naman nakakatanggap ito ng may kalakihang tip sa maghapon.

Ang misis naman ay simpleng may bahay na wala ring gaanong luho at sapat na ang nasa ₱350 lamang ang budget para sa gastusin sa ordinaryong araw nila.

Nasa ₱1700 o 400 ang tip ng mister kada araw. Iyon ang ibinibigay niya sa misis dahil iyon ang kanilang napagkasunduan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lingid sa kaalaman ng mister na iniipon pala iyon ng misis na wala namang luho sa katawan.

Marso 16 nang magdeklara ang enhanced community quarantine sa Luzon. Noon pa ma'y nag-alala na ang mister dahil sa tigil muna ang kanyang trabaho at mananatili lamang ang mga mga tao sa kani-kanilang mga bahay bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19.

Habang dumaraan ang mga araw, nagtataka raw ang mister na masasarap pa rin ang ulam ng kanilang pamilya.

Pangiti-ngiti lamang ang misis na ipinakita sa mister ang naipon niyang pera mula sa mga tip nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot sa ₱217,000 ang kabuuan ng naipong pera ng misis na napakalaking bagay ngayon na pansamantalang walang trabaho ang mister.

Kaya naman payo niya sa mga misis na tulad niya, matutong mag-ipon at maging masinop. Tularan daw siya na hindi "ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga."

Sa pag-iipon din kasi makukuha ang tiwala ng mister para hindi raw sila pagtaguan ng pera dahil alam nilang napupunta ito sa inyong mabuting pangangalaga.

Narito ang kabuuan ng post na binahagi ng Peso Sense:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel