Buntis na ‘di makapagbayad ng upa, tinanggalan ng bubong at pinto ng landlady

Buntis na ‘di makapagbayad ng upa, tinanggalan ng bubong at pinto ng landlady

- Naging viral sa social media ang video kung saan tinanggalan ng bubong at pinto ng landlady ang tenant na hindi nakakapagbayad ng upa ngayong may enhanced community quarantine

- Dahil dito, naulanan at nabasa tuloy ang mga gamit ng buntis na tenant kasama ang anak niya

- Nagbigay paalala naman ang barangay captain sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng apartment ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa

- Nagpaliwanag din ang landlady kung bakit niya ipinatanggal ang bubong at pinto ng tenant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang video kung saan ipinakita na tinanggal ang bubong at pinto ng landlady ang kanyang tenant na dalawang buwan na umano hindi nagbabayad ng renta ngayong may enhanced community quarantine.

Nalaman ng KAMI na nabasa at naulanan ang gamit ng buntis na tenant nang tanggalin ang bubong kasama ang anak niya.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, maging ang mga kapitbahay ay naki-usap sa landlady na huwag nang tanggalin ang bubong at pinto ng apartment. Subalit, hindi umano sila pinakinggan nito.

Giit ng kapitbahay, sinamahan niya rin ang tenant na ipa-blotter ang landlady dahil sa ginawa nito.

Paalala naman ng barangay captain sa landlady, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbigay ng babala na huwag patalsikin ang mga tenant na hindi makakapagbayad ng renta ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Paliwanag naman ng landlady, hindi siya pinupuntahan ng tenant kahit na ito ay may utang din na isang kabang bigas. Aniya, malaki rin ang gastusin niya dahil na-ospital ang asawa niya noon. Agad din daw niyang pinabalik ang bubong ng tenant noong makita niyang umuulan na.

Ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, may grace period para sa mga tenants na hindi makakapagbayad ng upa ngayong may community quarantine. Ang mga lalabag dito ay maaaring patawan ng multa, pagkakakulong o pareho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel