4 na magkakapatid, kinaawaan matapos maulila sa ina at mawalay sa ama

4 na magkakapatid, kinaawaan matapos maulila sa ina at mawalay sa ama

- Umantig sa maraming netizens ang kwento ng apat na magkakapatid sa Cebu

- Wala nang magulang na nag-aaruga sa kanila matapos sila maulila sa ina

- Hindi man lamang nila nasilayan ang kanilang ina bago ito ilibing

- Nalayo naman sila sa kanilang ama dahil kailangang sumailalim ito sa quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng mga tao ngayon, apat na magkakapatid sa Cebu ang namumuhay nang walang magulang na nag-aalaga.

Napag-alaman ng KAMI mula sa ulat ng ABS-CBN News na naunang naospital ang kanilang ina at kalauna'y pumanaw noong May 9 dahil sa hypokalemia o pagbaba ng potassium sa dugo. Hindi na nila nakita ang kanilang ina dahil agad itong inilibing sa isang sementeryo sa Cebu City.

Ang kanilang ama naman ay kinailangang sumailalim sa quarantine dahil sa pagkaka-expose niya sa COVID-19 sa ospital nang bantayan niya ang kanyang yumaong maybahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang panganay sa magkakapatid na si Marjun (14) ang tumatayong magulang ng magkakapatid. Siya ang nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Cathleen, 9, Johnvic, 5, at Jesna, 1.

Nagluluto, tagatimpla ng gatas ni Jesna at tagalinis ng kanilang bahay ang naging gawain ng ni Marjun.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa awa, hinahatiran sila ng pagkain ng kanilang kapitbahay.

Isa ang lalawigan ng Cebu sa mga lugar na matinding tinamaan ng COVID-19.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Coronavirus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

POPULAR: Read more news about Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel