Mga anak ni Jackie Forster, kompleto sa kaarawan ng bunso nilang kapatid

Mga anak ni Jackie Forster, kompleto sa kaarawan ng bunso nilang kapatid

- Ibinahagi ni Jackie Forster ang kanyang kaligayahan sa pagsama-sama ng kaniyang limang anak

- Ito ay naganap sa pagdiriwang ng kaarawan ng bunso niyang anak sa pangalawa niyang asawa

- Marami ang natuwa na sa wakas ay nagkasama ang magkakapatid kabilang na ang mga anak ni Jackie sa unang asawang si Benjie Paras

- Nagkaanak ang aktres ng tatlo sa pangalawa at kasalukuyan niyang asawang si Michel Franken

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng aktres na si Jackie Forster ang litrato ng kanyang limang anak kabilang na ang dalawang anak niyang sina Andre at Kobe Paras sa unang asawang si Benjie Paras.

Ito ay naganap sa ika-limang taong kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Yohan.

Sa isang bihirang pagkakataon ay kasama si Andre sa pagdiriwang. Hindi masyadong nakikitang kasama ang aktor sa mga litrato ng magkakapatid na ibinabahagi ni Jackie sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Birthday Quarantine.. but make it complete ❤️ #heartisFull," ani Jackie sa caption sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang litrato ng kanyang limang anak.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Wow my heart is soooo happy for Jackie and the kids. Time really heals all wounds and love is what prevails!
I'm so happy!!! Sobrang happy ako for Ms Jackie na pati ito naisama ko pa sa daily journal ko. Naabsorb ko kasi yung happiness nila. Congratulations po!
Wow Andre is reunited with all the siblings very good vibes all is well that ends well.
Sobrang nakakahappy tong pic na to. Ramdam ko yung saya ni Jackie hanggang dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, kasamang nagdiwang ng bagong taon sina Kobe at kanyang mga kapatid sa ina.

Matatandaang ikinasal sina Jackie at Benjie noong 1994, ngunit nagkahiwalay noong 2001. Ayon naman sa ulat naging karelasyonng aktres ang kanyang kasalukuyang asawang si Michel Franken noong 2007.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Jackie Forster ay isinilang sa Manila noong November 21, 1979. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Sa huling paghihintay, 1993’s Teenage Mama, at 1993’s Geron Olivar.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel