Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang "lockdown life" sa kanyang mga followers

Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang "lockdown life" sa kanyang mga followers

- Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang buhay niya sa kanyang condo unit ngayong panahon na ipinapatupad ang community quarantine

- Ayon sa dalaga, natuto siya ng mga gawaing bahay dahil wala siyang ibang kasama sa kanyang condo kundi ang kanyang aso

- Ipinakita din ng aktres ang kanyang mga inaalagaang halaman na kanya pang binigyan ng pangalan

- Ibinahagi ni Janine ang ginawa niyang mga pagbabago sa ayos ng kanyang condominium

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang kanyang mga karaniwang ginagawa ngayong panahong ipinapatupad ang community quarantine.

Kahit mag-isa ay maayos ang bahay ng dalaga dahil mahilig siyang maglinis. Ilan sa mga bagong natutunan niya umano simula nang manatili sa loob ng bahay ay ang paggawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba at paglilinis.

Ibinahagi din ng aktres ang kanyang hilig sa mga halaman. Sa katunayan may mga pangalan siyang ibinigay sa mga halamang kanyang inaalagaan sa kanyang condo.

Sinusubukan umano niyang maging minimalist para iwas kalat sa loob na bahay. Ayon pa sa kanya, binibili na lamang niya ang mga bagay na kailangan niya.

Ipinakita din ng Kapuso star ang kanyang living room, ang kanyang balcony, at ang rooftop ng kanilang condo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang bumilib sa dalaga dahil sa pagiging independent at masinop nito:

Your parents are so lucky to have you as their daughter. Please stay simple and humble Janine and God bless you and your family.
I love how you take time to grow plants in your place - lucky that you got a spacious balcony, too. The pops of green bring so much life inside the house, especially that you're the type who empties tabletops. We somehow have similar home design principles, including reusing-recycling and conscious consumerism. All the best!
Simple and. Realistic. I like this video we can All relate. Thanks, Idol. Till next vlog

Kagaya ng karamihan sa mga artista, pinasok na rin ni Janine ang mundo ng pagvo-vlog. Nakatanggap siya kamakailan ng kanyang Silver Play Button mula sa YouTube.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Janine Gutierrez ay anak ng dating mag-asawang sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez. Si Lotlot ay ikinasal sa kanyang pangalawang asawang isang Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

POPULAR: Read more about Janine Gutierrez here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel