Pasay City councilor, pinagsisigawan ang mga health workers dahil sa testing sa session hall

Pasay City councilor, pinagsisigawan ang mga health workers dahil sa testing sa session hall

- Viral ngayon sa social media ang isang video ng Pasay City councilor na si Arnel “Moti” Arceo

- Makikita sa nasabing video ang paninigaw at pamamahiya umano ng councilor sa mga health workers

- Ito ay matapos niyang makita ang testing set-up ng mga health workers sa session hall

- Kinondena naman ng Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET) ang ginawa ng councilor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan sa social media ang isang video ni Pasay City councilor na si Arnel “Moti” Arceo na sumisigaw at naggagalaiti matapos makita ang testing set-up ng health workers sa kanilang session hall.

Kinondena ng Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET) ginawa ng konseha.

Makikita sa video na ibinahagi ng Facebook user na si Mai Bermudez ang video kung saan nagmumura at sumisigaw si Arceo.

“Ganiyan ba kaikli mga pagiisip niyo? […] Araw-araw namin dini-disinfect ‘yan eh. Session hall namin ‘yan. Nagpaalam ba kayo sa amin lahat? Eh lahat kami gumagamit niyan eh,” sigaw niya sa mga healthcare workers.

“Kung hindi delikado bakit naka-PPE pa kayo? Delikado ba o hindi? Bakit naka-PPE kayo lahat? Bakit hindi sa opisina ninyo ginawa ‘yan? Bakit dito sa amin? Diyos ko naman. Tapos sasabihin niyo ‘wag akong sumigaw,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa umanong deskriminasyon ang ginawa ng Pasay councilor ayon sa PAMET.

“‘Wag nating pabayaang tuluyang sumuko ang ating mga health care workers hindi dahil sa COVID-19 virus, kung hindi dahil sa posibleng pagbaba ng moral dahil sa mga ganitong mga pangyayari,” ani PAMET president Dr. Ronaldo Puno sa isang panyam ng GMA news.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Humingi naman ng paumanhin ang konsehal sa mga healthcare workers.

“Sinabi ko wala akong personal na galit sa inyo. Nagalit ako, napasigaw ako, nagmura ako, pasensiya na kayo,” ani Arceo.

“Kahit sa mga ospital ‘yong mga testing center nakahiwalay, nasa labas. Ang mabigat noon kung may nag-positive, ‘di ba? E di nalagay sa panganib ang buhay,” dagdag pa niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel